*warning.. malawakang jakulan to.. hindi literal na jakulan.. pero kung di mo gets yon.. basa ka lang.. maiintindihan mo rin..*

   sabi ko na nga ba, may kulang sa site ko na to.. kulang ang isa sa pinakamalaking parte ng buhay ko.. kulang tong counter-strike..

   ang pinakaunang pagcounter ko, kasama ko pa si joonee.. naglaro kami sa hobby stop.. may mapa noon.. di ko na maalala kung ano.. basta ang gamit ko yung shotgun (2, 2).. tapos sobrang di ko alam kung sino sino kalaban ko at ano yung dapat kong gawin..

   kasi naman.. ang huling first person game na nalaro ko, quake 2.. e sobrang layo ng konsepto ng quake sa counter.. basta yon.. so di ko alam talaga gagawin ko.. naglalakad lakad ako don ng parang bulag sa gitna ng quiapo..

   tapos puta.. sinigawan ba naman ako ng isang beteranong manlalaro don "hoy bugok nasa taas mo yung kalaban, tanga ka ba?"

   TAENA MO.. hindi ako tanga.. HINDI LANG AKO MARUNONG..

   seryoso, nakakagago yung ulul na yon.. e di walang nangyari.. patay ako.. di ko man lang alam kung sino yung pumatay sakin.. tapos umuwi ako ng bigo..

   summer yon ng second year.. papuntang third year.. naging isang malaking hit ang counter-strike sa amin.. pag recess o lunch, puta, puro counter yung pinaguusapan.. sinong napatay ni ganito.. anong ginamit ni ganyan na pampatay.. sino yung umutot habang nangssnipe si ganyan.. basta.. mga malawakang jakulan ng sarili ba.. hehehe..

   tapos tamang tama.. yung moderator namin noong third year, gumawa ng bagong network gaming.. sa prince david.. XFN yung pangalan.. tapos yon.. parati kaming naglalaro don ng mga kaibigan ko.. nagpapareserve kami agad para di kami maunahan..

   puta.. ang saya ng counter-strike.. sobrang saya talaga na ewan.. ang galing e.. kasi ang astig don, magkakasama kayo ng mga kaibigan mo, tapos parepareho kayong naglalaro ng isang game na may kampihan.. di tulad ng quake.. bara bara.. at maraming may gusto ng realistic combat..

   tumatambay kami sa XFN maghapon at magdamag.. ARAW ARAW kaming naglalaro at nagpapatayan.. seryosong ang saya saya naming lahat..

   at shempre, sa isang laro.. may nananalo, at may natatalo..

   buti nalang wala ako dun sa side ng natatalo..

   heh..

   kinilala, nirespeto, kinamuhian, kinainisan, kinaburatan ang panglan ko sa XFN.. hahahahaha.. OO CHONG INAAMIN KO, NAGYAYABANG AKO.. TAENA MAY IPAGYAYABANG NAMAN KASI E.. heh..

   seryosong ang galing ko.. oo magaling rin yung iba.. pero mas magaling talaga ako e.. taena.. may isang pagkakataon dati.. may mga tiga kostka.. pumasok sa XFN.. e ako yung nagbabantay don.. naglaro sila.. e di ako naman, sumali.. heh.. puta ako lang magisa e.. di ko na maalala masyado.. pero ang alam ko, 6 sila ata.. heh.. or 7.. basta 3 yung babae..

   e di andon na ako.. naglalaro laro.. pinapatay patay sila.. naggangup sila laban sakin.. naging 5 on 2 yung laro.. (ayaw na ata pumayag nung server ng 6 on 1 e.. di pwede..) kaya yon.. sige.. tapos HINDI SILA MANALO.. seryoso.. yung mga patay nila sakin, yung tipong chamba lang sa granada na ewan.. tapos yung kakampi ko pa yung tipong hindi marunong..

   haahahahaha.. tawang tawa ako non.. yung mga lalake pa namang yon, tipong nagyayabang dun sa mga babae nila na magaling sila.. hahahahahahaha..

   tapos puta, alam niyo ba.. lumapit sakin yung isang lalake.. tapos ganito ang naging usapan namin..

"ikaw ba yung harry potter?" sabi niya..

"oo."

"bat mo pinapatay yung girlfriend ko?" pagalit na sagot niya..

tapos ko parang "ano?"

"bat mo siya pinapatay? jan sa counter?"

"uh.. kalaban ko siya e?" sabi ko..

"e bat mo pinapatay? girlfriend ko yan e!"

    e di taena, naburat na rin ako.. ang bobo e..

"e anong gagawin ko? hihintayin siyang patayin ako? gago ka pala e.. kalaban ko yon e.." sabi ko..

   tapos yon.. inawat.. pero di na siya nakapagsalita.. umalis nalang.. hahahahahaha.. taenang yan.. nalampaso ko lang sa counter at napahiya sa babae niya nagangas angas pa.. HAHAHAHHAHA.. PUTANGINA MO PARE ASAN KA MAN..

   nagpatuloy ang pagdominate namin sa XFN (namin kasi magaling rin si paolo katigbak.. kasama ko siya parati e..).. pumapatay at nambuburat ng tao.. tapos may sinabi sakin yung isa kong kaibigan na tipong nagexplain kung baket nabuburat yung mga tao.. sabi niya :

   "kasi naglalaro yung mga yon, tapos akala nila ang galing na nila e.. tapos makakalaban kayo.. e lalampasuhin niyo.. puta nakakaburat yon.. ang sakit non.." ayan.. parang ganyan yung sinabi niya.. heh..

   pero kung iisipin, masakit nga naman.. yung tipong akala mo kuhang kuha mo na yung isang bagay tapos biglang may mangyayari na magpapatunay na hindi pala.. alam mo kung gano nakakaburat yon? para bang may langgam yung ulam mong tinolang manok.. taenang yan.. unang una, nakakaburat yon kasi may langgam yung ulam mo.. pangalawa, PUTA TINOLANG MANOK YON E! BAT LALANGGAMIN YON!? taena.. ganong klaseng burat..

   e di ayon.. gumawa kami ng "clan".. usong uso yon nung panahon na yon e.. pangalan nung clan namin.. <-=[MASAKER]=->.. bale ang mga kasama jan, ako, si katigbak, si kuya ni sargan at si messenger.. 4 lang kami.. pero puta.. sobrang walang makapalag samin.. SERYOSO yon.. may isang time.. 7 on 4.. sa italy.. dun talaga nagsimula to e.. 7 on 4, yung 7 na yon yung mga marurunong maglaro a.. pero nilampaso talaga.. halos walang namamtay saming apat..

   marahil, kung manlalaro ka ng counter, sinasabi mo na sa sarili mo na "oo na, puta, lahat naman magaling e.. feeling mo magaling ka pero mas magaling ako sayo gago.. wag ka na magyabang.." sorry chong.. pero hindi talaga e..

   nung "prime" namin.. naglalaro laro kami kung saan saan.. blue skies.. naglaro kami don.. hahahahha.. may nakakatawang gago don e.. kasi ganito.. e di naglalaro na kami diba.. top top kami ni katigbak.. tapos biglang may dumating.. may dala pa siyang sariling mouse.. tancha ko kabarkada to nung may ari e.. tapos naglaro siya.. puta ang yabang talaga nung gago.. naka bind pa mouse1 niya ang sinasabi "here i come to save the day" kasi mighty mouse nick niya e..

   BOOM.

   patay si gago.. bumulagta..

   pangalawang round..

   BANG BANG..

   patay siya.

   reconnect.

   pagpasok.

   BOOM.

   patay.

   siguro nabuburat na si gago kasi parating ako o kaya si pao lang ang nakakapatay sa kanya.. tapos nung nasunod sunod ko siya ng patay.. biglang banat ng "so you think youre good huh?" tapos finoflood pa niya yung screen..

   hindi ko teritoryo yung blue skies, kaya hinayaan ko nalang siya.. at nagpatuloy.. habang tawang tawa na ako sa loob.. mejo katabi ko pa naman siya.. so tumitingin tingin siya sakin..

   next round.

   BANG BANG.

   patay.

   naburat si gago, umalis.. hahahaha.. mukha siyang timang don, dala dala niya yung mouse niya, tapos niyaya niya yung isa niyang kaibigan "puta pare kain tayo."

   HAHAHAHAHHA. PU-TANG-INA-MO. HAHAHHAHAHAHA.

   ganon rin.. naglaro kami sa hobby stop.. kami ng mga Fboys laban sa mga regulars don.. asa de_dust kami..kakasali lang namin.. tapos biglang nananalo nalo na kami.. napapansin nila na palaban yung mga bagong sali, kaya lipat lahat yung magkakakilala sa isang side.. tapos kami sa isa..

   hahahahahahahahahahaha.. puta, tatawa nalang ako.. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA.. makalipas ang mga isang oras nung natatalo talo na sila ng sobra, nabuburat na.. sabi ba naman.. "puta naman yung mga bagong sali epal o.. bumibisita lang e.." HAHAHAHAHHAHAHHAHAHA.. tapos wala.. pinalitan yung map.. tapos yung map pa, yung map na gawa nila.. e di puta, kami walang alam don.. e di natalo talo kami..

   banat ba naman sila ng "PUTA HANGGANG DE_DUST LANG PALA TONG MGA TO E.."

   lumipas ang trenta minutos..

   natatalo na sila, sa mapa nila..

   kinick kami.

   HAHAHAHAHAHAHAAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA. mga bugoy..

   hahaha.. tapos mayron pang isa.. dito naman sa may amin.. yung iskul.net.. kasi yung naglalaro don, mga jologs talaga.. o yung mga wa class.. puta ang sama ko, pero totoo.. yung unang punta ko don.. bago palang.. e adik ako non e.. gusto kong tignan kung astig don.. ok naman.. kinalaban ko yung mga may ari.. tatlo sila.. tapos napansin ko isa lang yung magaling.. so yon.. nilampaso ko sila.. pagkatapos ko maglaro.. sabi nung may ari:

   "tangina pare nilampaso mo kami a.. ang galing mo.."

   hehehe.. sabi ko naman "di yon.. chamba lang.."

   e di yon.. naglaro pa ako don.. kasi kilala ko na yung may ari e.. tapos yung mga nakakalaban ko, mga jologs talaga.. tapos parati ko silang natatalo.. kaya pagdating ng konti pang panahon, nakagawa na ako ng pangalan don.. "si potter" ika nga nila..

   parang nung isang beses na pagpunta ko don.. nung pagsali ko, may narinig nalang ako.. "oi si potter o.. magaling yan e.." tapos yon.. di ko naman sila nadidisappoint.. heehehehehe..

   tapos matagal akong nawala.. at may pumalit sa "trono" ko kumbaga.. yung J.J. ata yon.. naghahamon siya.. 1 on 1 daw.. e di sige.. payag ako..

   taena.. KALA KO MAGALING. SUPOT PALA SI GAGO.. puro porma lang.. tapos biglang may dumating na mga kaibigan niya.. ang sabi ba naman:

   "o, J.J. sino nanaman yang tinatalo mo.." sabi nung skwater..

   "ulul. wala." sabi ni J.J.

   "asuuuuuus.. sino yan? siya ba yan?" tinuro ako.

   "oo, wag ka ngang maingay." sabi ni J.J.

   "baket? talong talo ba?" sabay pinindot niya yung tab..

 NAME                 KILLS                          DEATHS

Potter                   16                                  3

J.J.                3                                         16

   ....o e di tumahimik si gago.. naglakad paalis... HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA..

   blitzkreig. rush. yung mga networks sa anonas. kahit saan. nabuburat sakin mga tao.. hahahaha.. sayang nga lang. di ko nakalaban si rayms nung "peak" ko.. heh.. si rayms kasi balita ko sobrang galing e.. sayang.. naghahanap kami ng challenge noon e..

   taena, napasaya yung kwento ko.. nakalimutan ko yung pinakapunto ng lahat ng ito..

   alam niyo ba kung baket sobrang astig ng counter-strike? kung baket KA naadik o kung baket naadik yung boyfriend mo?

   una, naisip ko, kasi astig e.. ang galing talaga e.. team game na realistic.. ang galing..

   pero..... hindi rin e..

   sobrang nakakaadik yon, kasi andun yung saya ng pagkakasama e.. bonding rin yon e.. alam niyo yung tipong asa isang lugar lang kayong magkakaibigan, nagkkwentuhan tungkol sa mga bagay bagay, tapos tawa kayo ng tawa at ang saya saya niyo? parang ganyan rin yon e.. asa isang lugar lang kayong lahat, tapos sobrang nagsasaya kayo.. ang galing kaya.. mas nagiging close kayo ng mga kaibigan mo.. ang saya e..

   andun yung tipong, ikaw yung leader. ikaw yung nasusunod.. ikaw yung sinusundan.. andun rin yung nagtutulungan kayo para mapatay yung mga kalaban.. andun yung nagpplano plano pa kayo para manalo.. andun yung nagtatago kayo sa isang lugar tapos pag napatay kayong lahat, ayos lang.. kasi parepareho naman kayong napatay.. andon yung may kinokomsatan kayo.. andun yung may isang kaibigan mo na sobrang walang alam kaya pinaglalaruan niyo at tinatawanan.. andun yung inuulul mo yujng mga kalaban mong nabuburat sayo kasi ang galing mo.. hahahahahaha.. taena..

   manalo, matalo.. astig parin e.. andun parin yung mga patay mo na sobrang astig at nakakagulat. yung nagtago ka lang sa isang lugar tapos naubos mo yung isang team.. o lumusob ka magisa at naubos mo lahat.. andun yung isa ka nalang tapos buo pa yung army at sabay sabay kang pinatay.. ang galing talaga..

   hindi naman talaga nakakaadik yung game itself e.. ang nakakaadik don, yung nararamdaman mo habang, at pagkatapos maglaro.. yung tipong saya dahil ang galing mo at nilampaso mo lahat.. yung tipong nakakalimutan mo yung mga problema mo dahil mas iniisip mo pa kung lulusubin mo ng knife yung sniper na bakla..

   pag may problema, nagcoucounter kami.. pag may longtest, nagcoucounter kami.. pag bagsak sa longtest na yon dahil sa counter, nagcoucounter kami.. taena.. kahit kailan, kahit saan..

   shempre, ang lahat ng yon, may kapalit na kasamaang pangyayari.. isa na don yung PAGKAPATAY NG SOCIAL LIFE NAMING LAHAT.. puta.. soiree soiree pa, COUNTER NALANG! gimik namin yung sa XFN.. o kaya sa blitzkrieg.. taena.. COUNTER COUNTER COUNTER.. tapos di lang yon.. nagkandababagsak pa kaming lahat.. taenang yan.. bumaba ng bumaba grades namin.. pero wala lahat kaming pakialam.. masaya magcounter e..

   haaaay.. counter-strike.. namimiss ko na yung mga araw na yan.. pinakaastig kong record ata, yung 3 on 1 e.. sa TANK pa yon.. taena.. hahahahaha.. 150+ kills 20+deaths.. hehehehe.. taenang yan.. di na bumalik ulit yung mga nilampaso kong yon e.. umalis nalang.. nahiya.. hahahaha..

   ayon.. ang haba na pala.. hirap talaga pag nagjajakol.. hahahahahaha..

Hosted by www.Geocities.ws

1