kanikanina lang, binabasa ko yung mga pinaggagagawa ko sa site ko. actually, binasa ko lahat.

siguro, makalipas ang trenta minutos ng pagbabasa, naisip ko na: "taena, ako ba talaga to?".. nagrant na ako tungkol dito dati. parang nakita ko na ang skwater ng mga pinagsusulat ko, tapos gusto kong baguhin lahat. pero yun nga rin, sayang.

sayang ang emosyon na binuhos ko sa paggawa ng mga yon. sayang ang mga oras ko sa klase kung buburahin ko lang. sayang ang nakaraan.

hindi ko kasi kayang magtapon ng mga lumipas na. para bang kailangan ko silang parating hawakan dahil mas komportable ako pag alam ko na nandiyan lang sila parati at hindi sila mawawala.

kaya ito ako ngayon.

gumagawa ng second part para sa "Buhay ng Walang Cell Phone"

ang pinakaunang cell phone na binigay sa akin ng nanay ko ay isang mumurahing Phillips Savvy. naaalala ko pa iyon, pasko yun ng second year high school. paakyat ng market ng cell phones. yun yung umuusbong palang yung mga telepono e. sobrang excited ako non, kahit hindi Nokia yung cell phone ko tulad ng mga cell phones ng ibang tao, masaya na ako at sa wakas, magiging parte na ako ng texter society.

text ako ng text. kahit sino, kahit walang kwenta yung sasabihin ko, sige lang, banat lang. tuwing makakakuha ako ng message, natutuwa ako. masaya ako pag nagtetext, naeexcite ako sa idea na "pota dati papage page lang, pero ngayon nagsasagutan na kami, di na kelangan dumaan sa operator!"

habang tumatagal, dumarami ng dumarami yung cell phones na nilalabas ng companies. at shempre, habang nangyayari yon, ako, gusto ko mas maganda yung cell phone ko. para uso diba? para astig! habang tumatagal at habang naluluma ang cell phone ko, mas nabuburat ako kasi ang olats na niya at parang ayoko na tuloy magtext.

lumipas ang isang taon, at hindi ko na talaga makayanan ang low tech na Phillips Savvy, kaya kinulet ko ng kinulet ang nanay ko na ibili ako ng Nokia 7110. nagdrama ako! umiyak ako, nagrebelde, nagbato ng quotable quotes, sumagot sa mga sinasabi niya. basta! lahat talaga ginusto kong gawin, mapasaakin lang ang 7110 na iyon.

bumigay nanay ko, at binigyan ako ng 7110 nung kaarawan ko.

masaya ako sa cell ko na iyon. astig pa pag binubuksan may: "chak" pa na tunog! at yon, gaya ng dati, natuwa muli ako sa pagtetext. para bang binuhay ng bagong telepono ko ang pagmamahal ko sa texting.

lumipas ang ilan pang taon, nasira ang pinakamamahal kong 7110, at dahil don, pinagtiyagaan ko ang walang kwentang 5110i ng nanay ko.

tapos ito, last week lang ang galing ng nangyari.. nawala ko ang cell phone niya na iyon.

ang unang reaksyon ko sa sitwasyon: "taena! cell phone ko!" kasi, sayang talaga diba. kahit low tech yon, hindi colored at limited ang memory, cell phone parin iyon. pera parin.

hindi ko nakita ang dependency ko sa cell phone hanggang nung nawala na siya.

pero teka, ieenumerate ko muna yung attitude ko sa cell phones:

1) ok lang kahit hindi ko siya nadadala kung saan saan.

2) hindi ako attached sa cell ko.

3) hindi ako bumibili ng credits parati kasi hindi naman ako masyadong matext na tao.

4) wala talaga ako masyadong pakialam sa text text na yan.

 

pero wow, ano to? nawala yung cell ko?

ang ginawa ko agad pagdating ko sa bahay, nagtawag ako ng mga tao. tinatanong ko kung may extra na cell phone sila. ang una kong tinawagan, si poch.

 

AKO: taena, nawala cell ko. magtanong ka naman sa mga tao jan kung may luma sila sa bahay na spare o, baka pwede ko muna hiramin.

POCH: (pagkatapos magtanong tanong ng kaunti) gago, walang may cell na extra dito. sino ba namang may ganon?

AKO: meron yan! may mga luma naman jan e! kelangan ko ng cell!

POCH: sorry, pero wala talaga e, pero sige, magtatanong tanong ako ng mga tao kung meron sila, sabihin ko sayo kung meron.

AKO: ah ok.. sige, sabihin mo sakin a.

POCH: sige text kita. (sabay tawa.)

 

"text kita" = powerful words. isipin mo nalang to. ilang beses mo na nabasa yan? ilang beses na sayo sinabi yan? ilang beses na nangyari sayo yan?

 

text kita.

 

"oi may inuman tayo bukas a! ano bang plano don?"

"di ko alam e, text kita."

 

"o, ano nang plano natin sa wednesday? may party ba?"

"oo meron, text kita ng details."

 

"kailan ako tatawag jan sa inyo?"

"text kita kung pwede na."

 

"anong oras ka dadating dito?"

"text kita pag alis ko sa bahay."

 

"ano yung homework natin sa Eco?"

"wala sa akin yung questions e, text kita."

 

"A-male ka ba?"

"text kita."

"wag."

 

diba?

hindi ko yon narealize hanggang nung nawalan na ako ng cell. akala ko malaya ako. akala ko hindi ako kagaya ng iba na importante sa buhay nila yung text. pero pota, hindi pala. hindi ko narealize na nakaimbune na sakin ang pagtetext at pagdedepend sa cell phones. ang mga aspeto ng buhay ko ay nakatali na sa SMS at sa Nokia.

seryoso, nahirapan ako magadjust.

tapos naisip ko, kung ako lang, siguro kaya KO na wala talagang cell. kahit na sino, KAYA NILA na wala silang cell phone. pero ang problema kasi don, pag hindi ka na kasama doon sa "texter's circle" ang ibig sabihin non, hindi ka na kasama sa society (shempre dahil nga nakatali na yung society ng mga pilipino sa cell). ang society pa naman, either, kasama ka o kasalungat ka.

at siguro naman, alam niyo nang mahirap labanan ang society.

o kaya yon, naligaw ako sa dilim. nawala na ang dalang liwanag sa akin ng cell phone.

nung nawala yung cell ko, akala ko talaga, parang wala lang. alam mo yon? normal lang. sinasabi ko sa sarili ko na: "sus, yun lang e. e ano ngayon? hidni ka naman dependent sa cell mo tulad ng ibang tao." ok na sana yung boses na naririnig ko sa utak ko, sa katunayan, sapat na iyon para maisip ko talaga na hindi ako bihag ng teknolohiya.

pero, teka!?

ano to?

may iba pang boses!

"hay nako, ang hirap mo naman hanapin, bumili ka na nga ng cell!"

"gago, kailangan mo ng cell no! bumili ka na non!"

"skwater ka kasi e, mawawala mo pa cell mo! bili ka na ngang bago!"

"kailangan mo ng cell, pano mo kami macocontact?"

"wow laki ng hinaharap non o."

"hindi mo kaya ng walang cell.. mahirap ang panahon ngayon, parating on the go. karamihan ng mga tao meron, karamihan rin ng mga tao dependent sa cell. alam mo yon? pano yan pag may gimik, pag may happening? pag bored ka? pag wala kang makausap? pag may kailangan kang kausapin? ano nang mangyayari sa iyo niyan? alam mo ang hirap mawalan ng cell e, para ka na ring tinanggal sa inner circle ng teknolohiya.. alam mo yon? yung para bang tinalikuran ka na ng panahon. kasi yang mga may cell, parang isang buong society na yan e. society na kung saan mahirap pag naalis ka. isipin mo yung ACA VIDEO membership. kung member ka don, ayos diba? makakahiram ka ng dvd o vcd ng mga pelikula. action, drama, horror, suspense, mystery, comedy, bold, ex rated, playboy, documentaries, cartoons at kung ano ano pa. pero paano na yon pag hindi ka na member don? pano kung biglang isang araw, tinalikuran ka na ng society ng mga nagrerent ng movies don? nako! pano ka na? diba kawawa ka naman? puta, pare, nung isang araw nga hiniram ko yung titilating movie ni Halina Perez! hayop sa katawan pare! taena! parang yung nakita ko dati sa Bar Lady. hayop talaga yon. sana lahat ng siyota ko ganon no? alam mo, ang hirap maghanap ng siyota. taena, parang skwater kasi yung mga babaeng nagugustuhan ko. yung tipong pakipot ba......"

 

YAN! boses ng peers ko. boses ng mga nakapaligid sakin, boses na nagtatanim sa utak ko na "puta, oo nga no, kailangan ko nga." hirap no? hasel nga kung yung sarili mo nalang yung babaguhin mo e. minsan ok lang yon, mas madadalian ka, pero pano na pag yung ibang tao pa na nasa paligid mo? hindi mo naman sila lahat mapapaayon sa mga paniniwala mo, diba? wala lang, mahirap. talagang madadala ka. well, may mga pagkakataon na hindi naman, pero most of the time, matatangay ka ng alon.

pero hindi parin nagbabago ang pananaw ko sa cell phones. sa tingin ko, hindi parin ito kailangan ng mga tao. kung lahat ng mga tao ngayon sa buong maynila, sinira yung cell nila, sa tingin ko buhay pa lahat. wala namang mamamatay. may malaking pagbabago, oo, at may malawakang adjustments, pero walang kahit na anong mangyayari na makakasira ng mundo.

ang isa pang problema kasi, yung mga gumawa ng negosyo sa cell. dahil sa mga capitalistang yon, mas lalo tayong nalulunod sa dagat ng teknolohiya.

isipin mo nalang, sa TV, meron nung text text. itetext ang comments, ang suggestions, ang votes, ang reklamo, ang sagot sa contests, ang raffle.

meron rin sa radyo. itext ang requests, ang greetings, ang sagot sa tanong ng DJ, ang mga gusto mong ikwento, ang mga gusto mong ibahagi.

sa dyaryo, itext kung anong gusto mo, kung anong impormasyon ang ibabahagi mo, ang mga gusto mong ireklamo.. lahat..

kahit sa mga pulis, sa mga bumbero, sa mga ospital..

TEXT TEXT TEXT. TEXT TEXT TEXT.

tae, ano ba tong nangyayari sa atin. pano ka ngayon sasalungat? diba? kung may means ka naman para makakuha ng cell, baket hindi, diba? hindi ba mas dadali nga naman ang buhay mo kung makakatext ka rin?

pero yun yung tanong don e. pinapadali ba talaga ng cell phones ang buhay?

shempre, ang sagot diyan ay HINDI.

kasalanan naman to lahat ng cell e, so pano niya papadaliin yung buhay ng tao? kung hindi nagkaroon ng sandamakmak na pagbabago sa sistema, sa kultura, sa mundo natin, e di puta, di natin siya kailangan.

isipin mo nalang, yung "cellular telephone society", subject sa school. yung cell phone naman ang tool mo, ang textbook.

oo, kailangan mo ng libro, kailangan mo ng tool para sa subject na iyon.

pero kung yung subject na iyon, wala naman talaga sa simula palang, kailangan mo parin ba ng cell phone?

simple lang naman talaga kung iisipin mo.

Hosted by www.Geocities.ws

1