|
kaya niyo pa bang isipin? buhay ng isang tao, isang Pilipino ng walang text? kaya niyo pa bang makita ang sarili niyo na walang hawak na cellphone? kaya niyo pa bang wag magdala ng cellphone? nakakainis mang isipin, pero ang cellphone ay naging parte na ng kultura ng mga Pilipino. Unang sumabog ang pagiging uso ng cellphone noong freshman palang ako.. aliw na aliw ako dun sa Snake sa 5110 ng guidance councellor namin. tuwing recess, pupunta kami sa office niya para makalaro. tancha ko 10 kami, sabik na sabik at naghihintay para makalaro ng Snake. ngayon, apat na taon na ang nakakaraan di na kelangang pilahan ang cellphone na iyon.. sa katunayan, tinatapon tapon pa nga ng ibang tao ang kanilang cellphone pag nagaglit sila o kapag hindi na uso.. tapos.. shempre.. may cellphone, may text.. oo alam ko, mayroong natutulong satin ang text.. tulad ng............... ah! merong isa! pag wala kang magawa at gusto mong manstalk ng crush mo.. or kung wala kang kahit na anong kaibigan na makuha kaya magmemessage ka nalang ng: "hi! cn u b my txtmte?" or babanatan mo ng cool na quote, tulad nung dati may nagtext sa kaibigan ko: "Be cool, but don't freeze" watdapak?! maraming tao ang nagsasabi ngayon na hindi na nila kayang mabuhay ng walang text.. sa tingin ko ay isa yong malaking kabalintunaan.. kalokohan.. kaya lang naman biglang naging sobrang laking pangangailangan ang cellphone dahil satin rin.. ginawa natin siyang necessity.. marmaing nagsasabi na "kung walang text, mahirap magkita-kita pag may gimik".. dati kasi, pag nagpaplano ng gimik, sakto talaga, kumpleto sa detalye.. Saan, Kailan, Sino-sino, Ano-ano, LAHAT.. e ngayon? pano na magplano ng gimik? guy 1 : pre, wer wil we go b tm? guy 2 : dnt knw p pre. il txt u nlng tm.. guy 1 : ok pre. pro wt tym b tyo pnta? guy 2 : duno pa pre. bka lte, bka morn, il txt u nlng tm.. guy 1 : oks. hu we goin wid pare? guy 2 : il txt d tsiks p l8tr pare. dnt knw pa hu 2 ask. guy 1 : ok. c u 2m.Ü ganyan na ngayon.. tapos dahil sa walang kwentang pagpaplanong ganyan, anong mangyari?! malaki ang posibilidad na hindi matuloy or si guy 1 at guy 2 lang ang pupunta.. nakakalungkot.. at lam mo kung ano pa ang sobrang sagwa sa text? yung mga taong MUMIME(moo-mi-meeh).. word yan na inimbento ni zoilo.. yan yung mga taong, well, mumime.. para mas malinawan kayo, bigyan ko kayo ng example.. ako : anong plano mo bukas? may gagawin ka ba? girl : d p lm n me e.. bka kc pnta me sa eastwood.. u? ako : erm, ewan.. baka umalis kami.. so anong ginagawa mo? girl : la nmn. no0d me ng tv. tps n kc hw n me e. tps na rn me eat. kya no0d nlng me!Ü ako : uh.. cge.. girl : no0d n b u jologs? ayw n me un e! pngit! turbo jologs! yuk! oh, il txt u l8tr ha? tae lng c me. tsk.. mumime pa kasi e.. ewan ko lang a, pero sobrang naaartehan ako sa mga mumime.. nakakainis pakinggan.. nakakaturnoff pa.. may crush ako dati.. tapos, nung tinext ko, putcha, siya yung pinakamalakas mume sa buong mundo.. taena.. di ko na tinext ulet.. nairita ako.. sorry nga pala sayo kung mumime ka ha.. pero kasi naman, kung gusto mo magenglish, magenglish ka ng buo, kung gusto mo, magtagalog ka nalang.. pero sino nga naman ba ako para sabihin sayo ang gagawin? heh.. pero ito.. kung lalake ka, sasabihin ko talaga sayo.. PARE PLEASE LANG WAG KA NANG MUME.. hindi bagay.. seryosong hindi bagay.. pero yungpakyut ka lang talaga at gusto mong magpaimpress ng mga tsiks at nakakapagenglish ka.. bahala ka sa buhay mo.. magme ka kahit kelan mo gusto.. tapos ano pa ba? ah! miss calls, drop calls.. taena! nakakagago.. sorry sa inyo.. malamang isa ka dun sa mga mahilig mag miss call at drop call.. pero tignan mo kung gaano ka pointless ang pagmimisscall.. magmimiss call yung isang tao sakin, tapos ako parang : "oi.. ano meron?" maghihintay ako ng ilang sandali, tapos biglang magmimiss call ulet.. so ako naman, magtetext : "o? may problema ba?" hindi nanaman magrereply.. anong gagawin? magmimisscall ulet.. punyeta.. tapos sasabihin ko : "oi, magtext ka na.. wag ka magalala.. bigyan kitang piso pag nagkita tayo.." nakakagago e.. parang drop calls.. tatawag, tapos babanat ng "san ka?".. o tatawag tapos : "anong oras na?" ; "bakla ka ba?" ; "bakla ako".. bah.. inabuso yung drop calls masyado.. nilagyan tuloy ng bayad ng ibang companies.. taena kasi e.. so kelangan ba natin ng text? ng cellphone?! hinde! yung mga cell phones dati, para sa mga businessmen, para sa mga taong parating nasa kalsada.. para sa mga taong sobrang kailangang makontak.. para sa mga tong mayroong importanteng bagay na dapat gawin at hindi para sa isang jologs na kung san mang sulok ng mundo galing na itetext ka ng : "ey beybi, cn we b txtmte? m young, ht nd horni".. marami pa akong masasabi sa topic na to, pero masyado nang mahaba e.. siguro sa susunod..
|