naisipan kong gawan ulet ng "Ako" page ang site na ito dahil maraming tao ang nawawala at naguguluhan na kung sino ba ako at baket mayroong site na to dito. talagang pinagisipan ko pa kung paano ko maipapakita ng mas nakakaaliw ang presentasyon, para hindi naman nakakasawa. hindi ko alam kung ano ang ilalgay, kaya nagiisip pa ako ng mapagpipilian..

kasi kung tutuusin, simple lang naman tong gagawin ko. magsusulat lang ako ng mga bagay tungkol sa akin at mga bagay ukol sa site na ito. ang panget naman kung papahirapan ko pa saraili ko para lang masabi kung sino ako diba? e simple lang naman yon. kahit sa isang text message na may 160 characters, kaya kong sabihin sayo yung gusto kong sabihin ukol sa akin.

kaya ang unang naisip ko ay gumawa ng mala-profile na description. yung tipong straightforward at talagang magegets agad kung sino ako. yung tipong ganito:

PANGALAN: Jed

Edad: 21

Hobbies: magsulat, magbasa ng libro, manood ng pelikula, makinig ng musika, magbadminton, maglaro ng computer, maginternet, manggago, uminom, tumambay kasama ng mga kaibigan.

 

halimbawa lang yan. pwedeng ituloy-tuloy ko na yan para makita niyo agad. pwede diba? pero baket hindi? kasi, pag ganyan lang, taena, walang dating e. nainform ko nga kayo, pero masyadong pormal. hindi naman to negosyo na kailangan pormal ang nakalagay. ayoko ng masyadong pormal sa site ko.

pwede ring isa pang method. yung write-up type naman. nakakita na kayo non, sigurado ako. parang testimonial yon e, pero hindi tulad non na pakyut. parang yung write-up talaga sa yearbook. ganon. ito o, halimbawa:

ako si jed. dalawampung taong gulang at nag-aaral sa kolehiyo. mahilig akong magbasa ng libro, magsulat at kung ano ano pa. simpleng tao lang ako. hindi kita papakialaman kung hindi mo ako papakialaman. nirerespeto ko ang mga gusto ng tao at inaasahan kong rerespetuhin ng iba ang gusto ko...

 

o, okay rin naman yan diba? sa katunayan, ganyan na yung ginawa ko dati. pero baket ayaw ko parin? wala lang. kasi nakakagago na yan e. 4 na layouts na, 4 na beses ko nang ginamit ang style na yan. tama na, sobra na eh.

kahit dati pa, hindi ko na talaga ginusto yung pagbigay ng masyadong impormasyon tungkol sa sarili ko sa net. masyadong maraming taong hindi mo kakilalang nagbabasa. delikado na. ang daming ISO jan sa tabi-tabi eh. hahahahahahah. kaya shempre, kailangan rin sa introduction na ito, mapakita ko kung baket ko ginawa ang site na ito at baket ito nandito..

ang isang method na parati kong ginagawa ay ang pagbigay ng background. parang ganito:

ang site na ito ay nagsimula nung summer bago ako magkolehiyo. 2002 yon, wala akong magawa at walang nangyayari sa internet ko, kaya naisipan kong gawin to. ang unang silbi ng site na ito ay para mapakita ng madali ang litrato na gusto ko sanang ibahagi sa mga tao. kaya ang ginawa ko, kinuha ko ang kakaunting nalalaman ko sa HTML at nageksperimento. habang tumatagal, naisipan ko na gumawa na talaga ng isang totoong site at nilagay ko don ang mga pinagsususulat ko. tumagal pa ng kaunti at nagpalit-palit na ako ng mga layouts. umabot sa 4 na layouts tong site na ito at ang pangkasalukuyan ang pang-limang layout nito....

 

pero naisip ko, kung ganyan ang gagawin ko wala nang thrill.

e taena, tinamad ako gumawa na. wala na kasi akong masulat.

kaya naisip ko, puta, bat pa ako gagawa e tinatamad na ako? wag na to.

kaya yon, wala tuloy akong nagawa para sa AKO.

ay.

meron pala.

Hosted by www.Geocities.ws

1