Unofficial Website of  Ms. Janice de Belen
Boy Abunda, natuwa kay Janice
Main    Latest   Photo Gallery   Biography   Articles   TV show    Movies   Link
Kahit magkatapat ang show nila, natutuwa pa rin si Boy Abunda dahil hindi dedma si Janice de Belen nang kunan nila ito sa The Buzz ng panig tungkol sa problema nito sa ex-husband na si John Estrada.
Natuwa si Kuya Boy nang magpadala ng sulat sa kanila si Janice.

Sabi ni Kuya Boy, kahit pa magkatapat ang Homeboy niya at SiS ni Janice (at nina Gelli de Belen at Carmina Villarroel), kaibigan pa rin niya ang ex-wife ni John.

Saka mahal daw niya si Gelli na misis ng alaga niyang si Ariel Rivera kaya never daw silang mag-aaway dahil magkatapat ang kanilang shows.

***
Naloka ang ilang taga-GMA 7 dahil sa tsismis na matsutsugi na ang SiS porke natatalbugan ito paminsan-minsan sa ratings ng Homeboy.

Ayon sa source namin sa Siyete, tsismis lang ang tungkol doon.

"It�s not true! Bakit naman tsutsugihin ang SiS eh hindi naman consistent na natatalbugan ng Homeboy ang ratings ng show, eh.

"Yes, kung minsan eh mataas ang Homeboy pero hindi palaging ganoon. Natataasan pa rin ng SiS sa rating ang Homeboy.

"Hindi lugmok ang ratings ng SiS para tsugihin na ito ng Siyete!" mariing pahayag ng source namin.
Unfair Kay Janice

Napaluha kami nang ipaliwanag ni Janice de Belen na walang karapatan na pagdudahan siya kung saan napupunta ang sustento ni John Estrada para sa kanilang anak. Twenty thousand lang naman ang naipadadala nito na kulang pa kung tutuusin sa pagpapaaral ng apat na anak kabilang na ang pangsuweldo sa dalawang yaya.

Hindi rin naman pwedeng pagdudahan ang host ng Sis dahil hindi maluho sa buhay si Janice. Hindi rin siya gumagastos para sa mamahaling damit, bag, make-up at iba pang mamahaling bagay.
Janice corrects John!

In reaction to John Estrada�s highly emotional interview on "The Buzz" defending himself that he is not an irresponsible father, Janice de Belen said she never said her former husband is irresponsible.

"And for him to imply na hindi niya alam kung saan napupunta ang sustento niya, mali yon dahil wala naman akong luho sa katawan. Buti na lang tinatago ko ang mga cheques ng pinang�abono ko sa tuition."
Joey Marquez Nagsalita

Nagsalita na rin si Joey Marquez tungkol sa pagkakadawit niya sa isyung  John Estrada-Janice de Belen. Inamin niyang totoong nagkomento siya off-cam na kay Janice nga ang kontrobersyal na bahay sa Para�aque, pero sinabi naman daw niya na ang aktor ang naghuhulog monthly.

Ayon pa kay Tsong, sana raw, bago nagalit o nag-react si John,  tinanong muna siya. Puwede naman daw siyang tawagan nito o kahit i-text man lang.

Sa pagsasalita ng mga taong involved ay considered case  close na ang isyu. At least, naliwanagan na ng publiko kung ano talaga ang totoo.

In the end, ang simpatiya pa rin ng marami ay napunta kay Janice dahil puro negative comments ang nababasa at naririnig namin tungkol kay John.

Pinakanakalolokang part ay ang pagke-claim ni John ng bahay at ang panunumbat na iniwan na nga raw niya ito kay Janice at sa mga anak gayung alam na alam pala niya na originally ay ang ex-wife talaga ang nagmamay-ari nito.
Hosted by www.Geocities.ws

1