Unofficial Website of  Ms. Janice de Belen
Janice hurting, questioned by John on financial support
Main    Latest   Photo Gallery   Biography   Articles   TV show    Movies   Link
NILINAW ni Janice de Belen sa �SIS� na never niyang sinabing irresponsible father si John Estrada. �Part of being a good father is being a good provider,� aniya.

Noong na-annul ang ka-nilang marriage, kasama raw sa kanilang mutual agreement ang  monthly financial support ni John for their four children. Kaya lang ay hindi nito natupad ang halagang napagkasunduan nila, kaya lumaki nang lumaki �yon at umabot sa P830,000 ang kanyang collectibles, ayon kay Janice.
Lahat ng naibigay ni John ay nakasulat sa notebook, ultimo P500. May xerox copy naman ang mga tsekeng ipinapa-dala nito. Ang masakit kay Janice ay kinukuwestiyon pa ni John kung saan napupunta ang perang ipinapadala niya para sa apat nilang anak.
�Yung R20,000 ay kulang na kulang, ayon kay Janice. Sa suweldo lang ng dalawang yaya ay P15,000 na. May clothing allowance at vitamins pa for their children. Paano pa raw ang pang-tuition fee ng mga bata? Si Janice na nga ang nagpupuno sa iba pang panganga-ilangan ng kanilang anak.
Ayaw na sanang pag-usapan ni Janice ang tungkol sa pera. Pero ang korte na raw ang nag-utos na ilabas ang mga pub-lic documents dahil hindi nakakarating sa mga bata ang perang napag-usapan nila ni John.
Para sa mga anak lang nila ang hinahabol na financial support ni Janice. Unfair daw na pag-isipan siya ng iba ni John. Hindi niya �yon ginagastos para sa kanyang sarili dahil libre lahat ng shoes niya (may sponsor siya) at hindi branded ang bags na ginagamit niya. Hindi siya mahilig sa mga expensive things.
"�Yung house nila sa Paranaque na kahit binili pa ni Janice noong dalaga pa siya�y itinuring niyang conjugal house nila ni John. Tumulong daw naman ito sa paghuhulog ng bayad kahit nasa pa-ngalan niya (Janice) ang titulo ng bahay.
Nilinaw rin ni Janice ang tungkol sa isang sasakyan na silang dalawa ni John ang bumili. Para �yon sa kanilang mga anak. Si Janice ang nagbayad sa down payment at si John ang sumagot sa monthly payment nito.
She stressed na hindi niya ina-away si John. Nothing personal dahil gusto lang niyang tuparin ni John ang obligasyon bilang isang ama sa kanilang mga anak. Kaharap nila ang kanilang law-yers sa kanilang kasunduan. Sana raw ay nag-contest si John kung hindi siya pabor sa kanilang agreement dahil puwede naman siyang makipag-compromise, ayon kay Janice.
Noong nadesisyunan ng korte ang annulment ng kanilang kasal ay nag-usap sila ni John nang masinsinan. Nag-apologize ito sa kanya for what had happened. Kahit naghiwalay sila, never itinuro ni Janice sa kanilang mga anak to hate or disrespect their father. Hindi niya ginamitan ng emotional blackmail ang mga bata. (Rowena Agilada
Hosted by www.Geocities.ws

1