| Unofficial Website of Ms. Janice de Belen |
| Janice nagsalit sa SIS |
| Nagsalita si Janice de Belen kahapon sa SiS tungkol sa problema nila ng ex-husband niyang si John Estrada kaugnay ng child support nito sa kanilang mga anak. Sinabi ni Janice na she has nothing personal against John. Ginagawa lang daw niya ang paghahabol na �yon para sa kapakanan ng kanyang mga anak. Bago pa man pinirmahan ni John ang mga papeles kaugnay ng child support nito sa kanilang mga anak ay pinag-usapan nila �yon kaharap ng kanilang mga abogado. Syempre pa, napaiyak si Janice at maraming tao sa loob ng Studio 3 ng GMA Network Center ang awang-awa sa actress/TV host. After ng SiS, nakita namin si Janice sa dressing room na mugto pa rin ang mga mata. Hindi masaya si Janice sa nangyayaring gulo sa kanila ng kanyang ex-husband, kaya hindi na namin siya nilapitan pa para interbyuhin. Tinext na lang namin siya to take it easy at nag-text back siya para magpasalamat sa pagte-text namin. |