| Unofficial Website of Ms. Janice de Belen |
| Si Joey mismo ang nagsabing pera ni Janice ang ipinambili ng bahay nila ni John! |
| Si Joey mismo ang nagsabing pera ni Janice ang ipinambili ng bahay nila ni John! Ang Pilipino STAR Ngayon 10/19/2005 Tinutukan din pala ng programang S-Files ang guesting ni John Estrada sa The Buzz nung Linggo at mismong si ex-Mayor Joey Marquez (kaibigan ni John) pa ang nagsabing lakasan ang audio ng tv monitor nila sa studio habang commercial break sila. Natiyempong ikinuwento ni John ang tungkol sa bahay nila sa Para�aque City ng dating asawang si Janice de Belen na conjugal property daw nila bilang mag-asawa at hindi na raw niya kinuha dahil give niya yun para sa mga anak nila. Sa harap mismo ng mga staff ng S-Files ay sinabi ni Mayor Joey na, "Sinong nagturo na sabihin yun ni John? Mali-mali lahat? Pera ni Janice ang ginastos sa bahay nila sa Para�aque, si Janice ang nag-ayos lahat ng mga papeles ng bahay kaya tama lang na mapunta kina Janice ang bahay. Alam ko lahat �yun dahil ako pa ang Mayor no�n, talaga itong si John, batang isip pa rin." At hindi raw nakasagot lahat ng staff sa narinig nila buhat sa mismong kaibigan ni John. "Sana hindi na lang siya nagpa-interbyu (The Buzz), sana nag-usap na lang silang dalawa, di hindi na sana humaba pa. Nalaman tuloy na naman ng publiko ang gusot nila," dagdag pa raw ng isa sa host ng S-Files. Samantala, kung hindi babaguhin ang plano ay magsasalita ngayong araw, Miyerkules si Janice sa live episode ng Sis kasama ang legal counsel niyang si Atty. Raymund Fortun tungkol sa mga binitiwang pahayag daw ni John sa The Buzz nung Linggo. |