Unofficial Website of  Ms. Janice de Belen
Janice, lumuha sa pakikipaglaban para sa karapatan ng mga anak
Main    Latest   Photo Gallery   Biography   Articles   TV show    Movies   Link
Napaluha si Janice de Belen nang pinag-usapan ang tungkol sa kaso nila ni John Estrada dahil ang sangkot dito ay ang karapatan ng kanilang apat na anak.
Noong Mayo pa isinampa ni Janice ang kaso labang kay John kaugnay sa buwanang sustento para sa mga bata.
Ayon sa kasunduan, P50,000 daw ang pinirmahan nila ni John pero hindi raw ito nasunod. Mahigit apat na taon na raw na ganun na lang lagi na hindi nasusunod kung anong pinag-usapan.
Ilang beses na raw nilang pinagtalunan iyun kaya napagod na rin si Janice sa malimit nilang diskusyon. Kaya mabuti na raw ang korte na lang ang magdesisyon.
Nu�ng Huwebes ay ibinaba na ang desisyon na dapat ibigay na ni John ang mga kulang na sustento na umabot ng mahigit P800,000.
"Ang karapatan lang ng mga anak ko ang ipinaglalaban ko rito. Hindi porke�t madalas niyang dinadalaw ang mga bata, eh naging responsable na siyang ama.
"Ang dami ko pang naririnig na kung anu-ano kapag nagtatalo kami tungkol sa sustento, kaya bahala na siguro ang lawyer ko riyan," pahayag ng actress/TV host.
Makulit daw ang mga bata sa pagtatanong tungkol sa problema nila at maayos daw niya itong naipaliwanag.
"Alam ko namang naintindihan nila iyun dahil alam nilang ginagawa ko lahat para sa kanila," dagdag na pahayag ni Janice.
Ngayong araw sa Startalk ay mapapanood ang kabuuang pahayag ni Janice tungkol sa kasong ito at sa isyung nakabuntis daw si Igiboy.
.
Hosted by www.Geocities.ws

1