| Unofficial Website of Ms. Janice de Belen |
| "Kung di niya kayang magsustento ng anak, sana sinabi niya sa judge� |
| Kung di niya kayang magsustento ng anak, sana sinabi niya sa judge� Ang Pilipino STAR Ngayon 10/18/2005 Maraming nag-react na mga kaibigan ni Janice de Belen sa interview ng The Buzz last Sunday sa ex-husband niyang si John Estrada tungkol sa kasong isinampa ng una dahil sa hindi pagbibigay ng sustento ni John sa loob ng ilang buwan. Hindi naman daw nagpapabaya si John sa mga anak nila ni Janice at sa katunayan ay nabanggit pa na responsible father ito dahil siya ang nag-alaga�t nagpalaki kay Igi Boy (anak nina Janice at Aga Muhlach) at ipinakita pa ang isang file video na nag-birthday si John at pinasasalamatan siya ni Igi Boy for being a good father to him. Sinubukan naming kunan ng pahayag si Janice tungkol sa pagpapa-interbyu ni John, sa The Buzz at "Kasalukuyan akong nasa tiangge (may pwesto siya sa The Fort) nung may nag-text sa akin na nasa The Buzz nga raw si John. "Buti na lang, �yung katabing pwesto ko, may pocket TV at napanood namin lahat. Reaksyon ko? Honestly, natatawa ako sa kanya, bakit hindi niya sabihin ang lahat-lahat, may kopya siya ng mga dokumento na pinirmahan niya. "Bakit ako ang nasisisi, e, nung pinirmahan naming dalawa yun, bukas sa kalooban niya, kung hindi pala niya kaya, di sana, nakipag-contest siya sa Judge? "At saka wala akong sinabing hindi siya nagsusustento, nagbibigay kaya lang kulang, hindi niya sinusunod yung pinirmahan niya. "Fifty thousand a month para sa apat na bata, plus pambayad sa tuition fees, plus dental and medical expenses. Hindi na nga nasusunod yung dental at medical, ako na ang nagbabayad do�n. "At saka bakit sa akin sila magrereklamo, e, judge ang nag-utos no�n, hindi naman ako. "At gusto ko ring i-correct �yung sinabi ko raw sa Startalk na iresponsableng ama si John, never kong sinabi �yun. Ang sinabi ko, part of being a good father is providing for his children, so alin ang sinabi kong iresponsable si John?" ito ang sunud-sunod na paliwanag sa amin ni Janice. Baka �yun ang pangangahulugan ng The Buzz? "Intindi nila, sila ang mali ro�n, don�t put words into my mouth dahil never kong sasabihin sa ibang tao o sa national television na iresponsable ang tatay ng mga anak ko na hindi naman totoo," pagdidiin pa ni Janice. Pahaging na tinukoy din na baka sa iba napupunta ang sustento ni John kaya kulang? "Asus, ano ba ang luho ko sa katawan? Puro nga ako abono dahil late dumating ang padala ni John na dapat sana�y first week of the month. Buti na lang, nasa akin ang mga tsekeng pinang-aabono ko sa tuition." � REGGEE BONOAN |