Unofficial Website of  Ms. Janice de Belen
John Estrada magbabayad ng P830,000
Main    Latest   Photo Gallery   Biography   Articles   TV show    Movies   Link

Inaatasan ng Pasig Regional Trial Court si John Estrada na bayaran ng P830,000 ang pagkakautang nito bilang sustento sa apat nilang anak ni Janice de Belen.
Ayon sa reklamo ni Janice, huminto diumano ng sustento ang ex-husband mula pa noong September 2004. Sa kabila daw ng pakikipag-usap ng aktres sa dating mister ay hindi pa rin daw ito tumupad sa usapang sustento kaya napilitan siyang daanin na sa korte.
"Sa lahat ng ayoko ay makipagtalo dahil sa pera. Hindi ko ito ginagawa para sa sarili ko kundi para sa aking mga anak. Sila ang concerned dito," paliwanag ni Janice.
Kapag hindi pa rin daw tumugon sa batas ng korte si John, mapipilitan ang korte na kumpiskahin ang mga ari-arian nito at ibigay ang nararapat na halagang obligasyon para sa apat na anak.
Abangan pa ang iba detalye ng isinampang kaso ni Janice kay John ngayong hapon sa S-Files. Magsasalita din si Yasmien Kurdi sa intrigang ibinabato sa kanyang pagkapanalo sa 2nd SOP Music Awards at Deborah Sun filing motion for reconsideration for her case at ang  Happy Ongpauco-Aiko Melendez isyu.
Hosted by www.Geocities.ws

1