Unofficial Website of  Ms. Janice de Belen
Problemado si Janice sa anak
Main    Latest   Photo Gallery   Biography   Articles   TV show    Movies   Link

Problemado ngayon si Janice de Belen sa kanyang anak na si Igi Boy, ang anak niya kay Aga Muhlach. Bukod sa pag-aaral nito ay mukhang nalulong ito sa isang masamang bisyo.
Aminado si Janice sa balak niyang pagpapa-rehab sa kanyang anak. Ayon sa kanyang halos lahat naman yata ng kabataan ngayon ay mahilig mag experimento. Iniintindi na lang niya ngayon ang kanyang anak. At pinagsasabihan din daw niya lagi ito na huwag gagawa nang anumang ikasisira niya. Dahil hindi lang ang sarili niya ang dapat niyang protektahan kundi pati ang pangalan ng kanyang magulang.
Tumigil daw sa pag-aaral si Igi Boy. Hindi raw talaga mahilig mag-aral ang bata dahil ayaw niya sa mga theory at lecture. Mas gusto raw ni Igi Boy ang actual study at hands-on kaagad. Katunayan ang course daw na kinuha dati ni Igi ay Culinary Arts dahil mhilig itong magluto at akala niya ay puro pratical at hands-on walang lecture. Kaya iyon itinigil ang kanyang kurso. Kung matatandaan niyo ay nag- thank you si Charlene Gonzales, ang asawa ni Aga, kay Igi Boy dahil sa mga cookies na binigay sa kanya ni Igi at mismong si Igi pala ang nag-bake nito.
Ayon pa kay Janice ay may balak naman mag-aral uli si Igi at designing ang nais nitong pag-aralan. Inuunawa na lang ni Janice ang kanyang anak at iniintindi na lang niya na iba na talaga ang kabataan ngayon kaya kailangan din niyang mag adjust para maintindihan ang anak.
Nais linawin ni Janice na si John Estrada ang siyang nagbigay ng kotse na ginagamit ni Igi. Hindi raw ito bigay ni Aga. She wants to give credit sa taong dapat pagbigyan nito. Hindi naman daw nakakalimutan kahit papaano ni Aga si Igi dahil ito ang sumusuporta sa pag-aaral ng anak.
Hosted by www.Geocities.ws

1