| Unofficial Website of Ms. Janice de Belen |
| Anak nina Janice, Nadia, at Alma magsasama sa isang show |
BASTA Nitz Miralles People's Tonight Nakita namin si Janice de Belen noong isang araw, pero nakalimutan naming tanungin ang pagpasok sa TV ng anak niyang si Inah Estrada. Nabalitaan naming isa ang 13-year-old teener sa host ng youth-oriented show sa Channel 11 entitled Candies. Maganda sanang alamin kay Janice kung bakit niya pinayagang mag-TV ang anak. Makakasamang mag-host ni Inah sina Yna Asistio, ang 15-year-old daughter nina Nadia Montenegro at Boy Asistio at si Wyn-Wyn Marquez, anak nina Alma Moreno at Joey Marquez who's also 13 years old. Ang tatlo ang latest addition sa telebisyon. |