| Inamin nitong Miyerkules ni Aga Muhlach na tinutulungan siya ni John Estrada sa pagpapalaki sa panganay nilang anak ng dating nobyang si Janice de Belen.Maging ang asawa niyang si Charlene Gonzales ay hindi rin daw nagpapabaya sa paggabay kay Luigi upang matulungan si de Belen sa pagpapalaki sa anak."I ask the help of John kasi nagpalaki rin �yan kay Luigi. (John), Janice and Charlene and I are all there for him,� ani Muhlach.Si Luigi ay lovechild nina Muhlach at de Belen. Nang magpakasal si de Belen kay Estrada, itinuring ng huli na parang tunay na anak si Luigi. Si Muhlach naman ay ikinasal kay Gonzales ilang taon na ang nakakaraan.Ibinalita rin ng matinee idol na nagsasarili na ang panganay niyang anak sa ngayon. Ang pagsasarili ay pinahintulutan daw ni de Belen sa kagustuhang magsarili upang matuto sa buhay."Nag-sasarili na siya (ngayon). Pinayagan naman siya ng nanay niya, pero okay lang sa akin dahil he�s not naman a problem child. He�s just a normal teenager," paliwanag ni Muhlach.Hindi naman daw nila hahayaan na abusuhin ng anak ang kanyang tinatamasang independence.�He doesn�t get anything more than school allowance from me," aniya.Tuwang-tuwa ang mga mamamahayag kay Muhlach nang humarap sa kanila nitong Miyerkoles dahil wala siyang inurungan na mga tanong.Si Muhlach ay kasama sa ipalalabas na pelikula ng Star Cinema na pinamagatang �Dubai.� Kasama niya sa pelikula sina Claudine Barreto at John Lloyd Cruz.Ang pelikula ay tungkol sa magkapatid na nagmahal ng iisang babae. Kwento rin ito ng overseas Filipino workers sa modernong bansa sa Gitnang Silangan. Ang pelikula ay kinunan mismo sa Dubai. |