Unofficial Website of  Ms. Janice de Belen
Main    Latest Photo Gallery   Biography   Articles   TV show    Movies   Link
JANICE GOING SOLO NA TALAGA
As we all know, matagal-tagal na ring nagsimula si Janice de Belen sa showbiz ngunit sandali itong nawala mula nang magpakasal siya kay John Estrada. Dati makikita lang siya kapag may TV guestings at bibihira lamang ito mangyari.

Kaka-celebrate lang ni Janice ng kanyang ika-33 na kaarawan noong Nobyembre.

Makikita na halong lungkot at saya ang nadarama niya dahil sa recent
break-up nila ng kanyang asawang si John Estrada. Ganoon pa man, may reason pa rin siyang magsaya dahil nandiyan naman ang mga tsikiting niya at siyempre pa ang peace of mind na hinahanap niya.

Sinabi niya sa ginawang special episode ng Sis, TV program nila ng kaniyang nakababatang kapatid na si Gelli de Belen, na malaki ang nawala sa kanya.

Hindi man niya binanggit ang pangalan ni John, mapapansin na malaki ang kanyang naging pagsisisi.

Hindi naman dahil sa naging asawa niya ni Estrada kundi dahil hindi siya nabigyan ng pagkakataon na i-enjoy ang kanyang pagkadalaga. Dahil kung titingnan noon ang listahan ng kaniyang priority, nasa pinakadulo ang kanyang sarili at ginawa niya ito dahil sa pagmamahal niya sa asawa�t pamilya.

Wala raw pinagkaiba ang buhay ni Janice ngayon nang magsimula siya sa una niyang teleseryeng Flordeluna at Mga Basang Sisiw na kanyang launching movie nang pumasok siya sa mundo ng showbiz: sunod-sunod ang mga offers sa kanya.

Katorse siya noon nang na in-love kay Gabby Concepcion at kay Aga Muhlach. At alam na natin ang mga sumunod na pangyayari, hindi ba?

Pati na rin ang recent big event na nangyari sa buhay niya.

Sinabi ni Janice na akala niya noon na madaling magpalaki ng bata kaysa sa mga baby. Dahil nariyan daw yung kailangang nasa gitna siya sa lahat nang oras gaya ng alam ng lahat ng mga magulang.

Talagang supermom si Janice dahil alam na niya ang mga bawat katangian ng kanyang mga super kids na sina Luigi, isa ng typical na teenager na mahilig magtelebabad at gumimik tulad ng ordinaryong mga bata na kasinggulang niya. Although hindi na ito palasama sa mga lakad nila kasama ang mga kapatid nito ay naiintindihan ito ni Janice;

At ang isa mga dalaga niya na si Inah, na destined at kung sakali man daw ay mag-aalaga sa kanya kapag siya ay tumanda na; si Moira, ang kanyang middle child na malambing; Kayla, na may pagka-maldita at matapang daw, ayon kay Janice, dahil sinasabi niyang talaga kung may gusto siyang sabihin; at siyempre ang kanyang bunsong si Yuan, na hindi pa niya ma-describe dahil masyadong bata pa ito.
Hosted by www.Geocities.ws

1