Pilipino STAR Ngayon 05/13/2004
Hindi inaasahan nina Janice de Belen at Aga Muhlach ang pagbaba ng grades ni Iggy Boy. Minsan ay nakakwentuhan namin ang actress-TV host sa taping ng Sis at naikwento nito ang pagiging telebabad ng anak. Halos ang oras nito ay nauubos sa pakikipag-usap sa telepono kaya siguro nawawalan ng time sa pag-aral. Mahilig din itong gumimik kasama ang mga kaibigan. Pero ayon naman kay Janice, mabait naman ang kanyang anak kaya lang mahirap din kapag wala itong ama na nagbibigay ng higit na pagsubaybay, yong kasama nila sa bahay. Mas takot ang anak na lalaki sa ama, dahil nadidisiplina niya ito ng higit pa sa isang ina. |