Unofficial Website of  Ms. Janice de Belen
Janice, may bubuksang negosyo!
Main    Latest   Photo Gallery   Biography   Articles   TV show    Movies   Link
   Nakakwentuhan namin si Janice de Belen sa taping ng Sis. Naaaliw kami sa interesting na mga paksang tinatalakay sa kanilang programa kaya ganado kaming manood.
Nagtitinda ang aktres (Janice) ng ilang imported goods gaya ng tuna spread, cookies na may iba't ibang flavor at alak. Mahilig sa negosyo si Janice lalo na pagdating sa mga pagkain. Katunayan, nakakuha ito ng franchise ng Dumplings na malapit nang buksan.
Kaya magiging memorable ang kanyang Kapaskuhan ngayong taon. Sa Disyembre 24 ay magkakasama sila ng kanyang anak sa Noche Buena. Sa Pasko naman ay magtutungo sila sa malalapit na kaibigan. Si Luigi naman ay makikipagkita kay Aga Muhlach bago mag-Pasko.
Kinumusta namin si Luigi bilang anak na ngayon ay 16 years old na. "Nahihirapan akong intindihin siya dahil wala akong kapatid na lalaki. Gaya ng ibang typical na teenager, sobrang magbabad si Luigi sa telepono kaya malaki ang ibinabayad ko sa phone bills at syempre mahilig siyang gumimik kaya ginagabi ng dating ng bahay. Pero mabait naman si Luigi at magalang," aniya.
Maganda rin ang bonding ni Janice sa lahat ng anak na babae kung saan nakakarating ang kanilang kwentuhan hanggang sa banyo. -
Hosted by www.Geocities.ws

1