| NOMINADO sa Asian TV Awards ang Sis ng magkapatid na Janice at Gelli de Belen kaya masayang-masaya ang dalawa. Ibang klase naman kasi ang programang ito ng magkapatid na bukod sa maganda ay nakaaaliw pa. Karamihan sa mga paksa nila ay nakapagbibigay ng mensahe lalo na sa relasyon ng mag-asawa. Mayroon din silang bagong portion tungkol sa tsismis sa showbiz na may pamagat na Chizmaks kung saan may pakontes sa dalawang celebrities tungkol sa latest na mga balitang pang-showbiz, kaya hindi nakapagtataka kung sakaling manalo ito. |