TALAGANG napatawad na ni Janice de Belen ang kanyang dating asawang si John Estrada at girlfriend nitong si Vanessa del Bianco dahil nang hingan ng reaksyon si Janice tungkol sa pagkakabanggit ni John sa pangalan ni Vanessa na pinaghandugan nito ng Best Drama Actor trophy ay di makita ang galit sa aktres. Ipinakita ni Janice may pinag-aralan siya at tanggap na niya ang paghihiwalay nila ni John. Kung sa iba ito nangyari ay baka kung anu-ano nang masasakit na salita ang pinakawalan nito kay John. Nangangahulugan lang na sa pagsasawalang kibo ni Janice tungkol sa binanggit ng ex-hubby ay wala siyang bitterness sa puso. Saludo kami kay Janice na tanggap ang reyalidad ng buhay. Sana lang ay matagpuan na rin niya habambuhay.
MATAPOS ang masakit na paghihiwalay nila ng kanyang asawang si John Estrada, matibay na ang dibdib ni Janice de Belen. Napatawad na raw niya ang dating asawa subalit matatagalan pa raw siguro bago niya malimutan ang nangyari sa kanila, ayon sa mahusay na aktres at isa sa host ng programang S-Files. Maghihilom din daw ang sugat na nilikha ng kanilang paghihiwalay sa paglipas ng panahon. Marami na raw masasakit na karanasan ang aktres at may pagkakataong iniisip niyang magpakamatay. Nasubukan na raw niyang uminom ng Eskinol at lumunok ng naphthalene balls para matapos na ang kanyang problema. Siya raw kasi 'yung tipo ng tao na ayaw magsabi ng problema dahil ayaw niyang makabigat sa kapwa. Inaakala niyang baka may mas mabigat na problema pa ang kanyang pagsasabihan ng problema. Noon daw ay talagang medyo mahina pa ang kanyang loob. Talagang ramdam niya ang sakit na unti-unting umaagos sa kanyang mga ugat hanggang sa parang talagang hindi na niya kaya. Ngayon daw ay pinatigas na ng panahon ang kanyang loob. Matibay na ang kanyang dibdib dahil may mga anak siyang naghihintay pa ng kanyang kalinga. Gusto niyang iparamdam sa mga anak na hindi siya kayang igupo ng problema at mananatili siyang nakatayo para sa kanila.ang lalaking mamahalin siya nang tunay at makakasama niya habambuhay. |