Unofficial Website of  Ms. Janice de Belen
Janice, di pa handang makipag-kaibigan kay John
Main    Latest   Photo Gallery   Biography   Articles   TV show    Movies   Link
Janice, Di Pa Handang Makipag-Kaibigan Kay John

by: Phil. Star copyright@2003


     Lumipat na si Janice de Belen sa isang condo sa may Greenhills. Iniwan na nilang mag-iina ang kanilang bahay na naipundar nila ni John Estrada. Ayaw na kasi nitong maalala pa ang nakaraan sa kanilang buhay.

     Inamin ni Janice na napatawad na niya ang dating asawa pero sa ngayon ay hindi pa siya handang makipagkaibigan sa actor/TV host.

     Nang tanungin kung sinusustentuhan ba ng aktor ang kanilang anak ay ayaw nitong mag-comment pero bakas sa kanyang mukha na tila kulang ang dating asawa pagdating sa financial support sa kanilang mga anak.

     Huminto muna si Janice ng kanyang pag-aaral ng AB Psychology sa Ateneo dahil lagi siyang nagkakasakit dahil sa rami ng trabaho.

     Enjoy si Janice sa kanyang pagiging talk show host ng S-Files at Sis na may bagong segment na "Sis Makeover to the Max" na maghahandog ng cosmetic surgery sa mga letter senders para maibalik ang self-esteem.
Hosted by www.Geocities.ws

1