Unofficial Website of  Ms. Janice de Belen
Janice, ibebenta ang bahay nila ni John
Main    Latest   Photo Gallery   Biography   Articles   TV show    Movies   Link
Janice, ibebenta ang bahay nila ni John
RATED A ni Aster Amoyo 
www.philstar.com
Publish Date: [Friday, February 21, 2003]

     Last Sunday afternoon, habang kami ay nagpapahinga sa aming munting resthouse sa Tanauan, Batangas, pinanood namin ang magkalabang showbiz talk shows, ang D' Buzz at S-Files.

     For the first time, nagsalita na si John Estrada sa D' Buzz na may kinalaman sa kanilang paghihiwalay ng ex-wife niyang si Janice de Belen pero pinabulaanan niya na si Vanessa del Bianco ang dahilan. Hindi rin niya (John) tahasang inamin na sila na ngayon ni Vanessa although sinabi niya na very special woman umano para sa kanya ang sexy actress-dancer. Idinugtong pa ni John na ang pagiging bata niyang mag-asawa ang siya umano sa mga dahilan kung bakit nauwi sa hiwalayan ang relasyon nila ni Janice.

     Ganunpaman, hiwalay man sila ngayon ni Janice, umaasa siya na muling makakatagpo ng bagong pag-ibig ang dati niyang misis. Pagdating naman daw sa kanilang mga anak ay walang problema dahil hindi naman daw siya nagpapabaya sa kanyang obligasyon.

     Nagpasalamat din si John nang malaman niya na pinatawad na siya ni Janice.

      Sa kabilang programa naman sa S-Files, magkakatulong na ininterview nina Paolo Bediones, Richard Gomez at Joey Marquez ang kanilang kaisa-isang co-host na babae na si Janice de Belen tungkol sa kanyang ex-husband na si John Estrada at kay Vanessa. Nakatulong ng husto kay Janice ang kanyang pag-move at pagtanggap sa naging sitwasyon nila ng kanyang ex-husband. Isa-isang sinagot ni Janice ang mga tanong na ibinato sa kanya ng kanyang mga co-hosts. Wala nang bitterness kay Janice.

     Sinabi rin ni Janice na balak niyang ibenta na ang bahay nila ni John sa Para�aque not because ayaw na niyang maalaala ang mga memories nila nung sila pa ni John kundi dahil nalalayuan na siya. Gusto niyang lumipat ng Quezon City dahil malapit ito sa kanyang trabaho at sa kanyang pinapasukang school sa Ateneo.
Hosted by www.Geocities.ws

1