| Unofficial Website of Ms. Janice de Belen |
| Janice and Gabby |
| Monday, September 23, 2002 Section: Entertainment By JOEY SARMIENTO KUNG walang kokontra at magkakasundo sa negotiation ay malamang na matuloy ang show ni Gabby Concepcion sa Los Angeles with special guest, Janice de Belen, bago siya mag-celebrate ng kanyang birthday. Aba, kung matatandaan ay sa mga showbiz love affairs na naging exciting ang team-up noon nina Gabo at Janice, huh! Ngayon pa nga lang ay marami na ang excited pero lahat ay under negotiation pa at wala pang final confirmation pero kung sakali ay siguradong patok ito sa mga Pinoy na matagal nang naninirahan sa Tate at nakasaksi sa takbo ng lovelife noon. Napakarami ang nangyari sa buhay nina Gabo at Janice magmula nang magkahiwalay sila noon kaya kung sakali ay siguradong kaming umaatikabong kuwentuhan ang mangyayari. Pero teka, possible kayang mabuhay muli ang namatay na pag-ibig? Well, abangan na lang po natin. |