| Unofficial Website of Ms. Janice de Belen |
| Janice at Gelli de Belen Source: Moviestar German Moreno |
| Nakakaaliw panoorin ang pagsasama ng magkapatid na JANICE AT GELLI DE BELEN sa programang Sis. Bago ang presentasyon ng show at buhay na buhay ang paghuhost ng dalawa. Non-stop at talaga namang kuwela and style ni Gelli bilang host. At si Janice ay bumabalanse sa kadaldalan at kakulitan ng nakababatang kapatid. For sure, marami pang magagandang segment silang idaragdag sa show. Kailangang tapatan nila ng magagandang guests at topics ang programa ni KRIS AQUINO. Kung may bentahe si tetay dahil mas nauna siyang nabigyan ng programa, mukhang may ilalabas namang galing sina Janice at Gelli as TV hosts. Cute para sa amin ang kanaturalan ni Gelli. Pag seryosong topics naman ay kay Janice nakatoka. Malaking challenge sa magkapatid ang show ni Kris. Pero dahil sila ang bagong putahe sa telebisyon, siguradong tututok at aabangan ng televiewers ang puwedeng ibigay ng kanilang show. Kaya dapat lang na may malakas silang come-on sa programang Sis. |