Home Page
Profile
Photos and Shots
Writings
Other Stuffs
Free Web Developers




Munti kong sawing puso
'Munti kong sawing puso'
(My Little Broken Heart)
  

Pangungutya't panlalait

Tinanggap mo kahit masakit

Nakakahiya't mabigat

Ginawa mo kahit mahirap

Mapagparaya

Ibinigay mo, di ka nagtira

Sa tingin mo, sapat na ba ang mga iyon

para masabing mahal mo siya

O, sapat na para huminto ka na?

 

Hindi ka ba nagsasawa?

Hindi mo ba nadarama?

O sadyang naging manhid ka na

Sa mga pasakit na iyong napala

Kailan ka matuto?

Kailan ka hihinto?

Walang kabuluhang pangarap ay tigilan na

Walang katapusang panaginip ay tapusin na.

 

Umiyak ka hangga't gusto mo

Sumigaw ka hangga't kaya mo

At datapuwa't ang lahat ng ito'y kayang mong tanggapin

Kailangang iyo ring isipin kung saan tayo nito dadalhin.

 

O, munti kong sawing puso iyong pakinggan

Panahon na upang matanto ang katotohanan;

Mahal natin siya, hindi natin maipagkakaila

Ngunit damdamin niya para sa atin ay wala

Huwag kang mabibigla

Kaibigan lang talaga tayo para sa kanya

Mahirap, masakit, ngunit ganoon talaga

Mahirap, masakit, wala tayong magagawa...

 


-J.K.P.

See this???

http://www.voidix.com/images/bloody.jpg

Bloody isn't it?

Home PageProfilePhotos and ShotsWritingsOther StuffsFree Web Developers

Yahoo!Graphic User InterfaceFriendsterDot TKGoogle.comJ.P.I.A.

All rights reserved. 2005
"bloody.jpg" is copied from Voidix.com - "Gray Vision" logos are generated using Flamingtext.com
This template is a freebie from GUI stuff. But I reconstruct it to become like this.

Hosted by www.Geocities.ws

1