* sapilitan *

						Sasabihin ko pa lang sana
						na ikaw ang mahal ko
						kaya lang
						tumalikod ka na,
						lumakad palayo
						di na kita nahabol
						ang bibilis ng hakbang mo.
						Akala mo kasi
						iniwan na kita,
						pinagpalit sa kanya
						di mo man lang nahintay
						yayakapin kita
						prinaktis ko pa
						bago tayo magkita
						hahalikan kita
						matagal
						habang paulit-ulit
						na sasabihin sa'yo
						"wag mo kong iiwan ha,

						mahal na mahal kita".

						{ hanggang praktis na lang pala... }
						    
						--blue palito
						08/19/2004 1700 hrs

Hosted by www.Geocities.ws

1