Shotgun

							Umiiyak akong
							nagtanong noon sa'yo

							"Mahal,"
							ika ko
							"mahal mo ba ako?
						
							bakit ganito
							parang
							nawawala ako..."
							saka sinabi mo
						
							"Mahal,
							mahal na mahal kita
							ngunit hindi pa ngayon
							ang tamang panahon,
							'di ako handa
							sa hinihiling mo,
							wala pa akong kayang
							ibigay sa iyo.
							Sana mahal
							'wag mo nang ipilit,
							at sana rin mahal
							magkaibigan muna tayo."

							Naiyak ako't
							ano pa bang magagawa ko
							sana mahal
							noon mo pa sinabi ito
							noong bago pa natin
							lagyan ng laman ang tiyan ko.

							     
							--blue palito
							03/11/03 1005 am

Hosted by www.Geocities.ws

1