1624 hindi ko naman sinasadyang saktan ka ikaw naman kasi mapilit mong binubusisi ang celfone, email, and private messages ko alam mo naman na hindi ko ginusto to me mga bagay lang talaga na mangyayari at nangyayari kahit wala sa plano. hindi ko naman idinadasal na intindihin mo ako nga mismo napeperwisyo sa kapipilit sa utak kong walang-kusang tumino. sana lang, pagkatapos nito magkaibigan pa rin tayo magkaibigang nagka-ibigan, gustuhin ko man sanang dun tayo magtapos wala na talga kong masimot... hanggang dito na lang yata tayo.--blue palito