Play It Cool "play it cool", sabi ng puso kong makulit patuloy kasing abnormal ang pintig nakakayanig pabaling-baling di mapakali nakakakunsumi. panahon na ba? ngayon na? HANDA KA NA BA? pano ba paiiralin ang isip bago ang damdamin kung ang isip ang pasimunong nagsabi "ikaw na nga..." buong-kusa't mapagkumbabang nagtitiwala lalabanan ang pangamba harinawa'y huminahong-kusa. --blue palito 02/18/2003 1424 hrs.
Hosted by www.Geocities.ws

1