Sinasamantala ko ang kahinaan mo
(pumapayag ka kasi)
Habang hawak ko ang kamay mo
(parang di ka nagsisisi)
Tatanungin ko kung ako'ng mahal mo
(walang halong pandidiri)
Maya-maya, pag-uwi mo
('Wag na 'wag kang magsusuri)
Baka-sakali maisip mo
(sa iba mo gusto matali)
Bukas din, hanapin mo
(agaran kitang isosoli).
![]()
--blue palito
1/6/1999 1720 hrs.