"DAL'WANG ISIP"
	Mga simpleng palipad-hangin
		(Hindi ko naman sinabing mahangin)
	Unang tingin, napagkamalang lasing
		('Yon pala naman, nagpapapansin)
	Tabi-tabi po... makikitabi lang po
		(Pabor 'to sa'yo, 'wag nang magtampo)
	Labas sa ilong, "Mukha kang kuwago"
		(Ang totoo niyan, di ka lang basta guwapo)
	Ang kaso, trumpo
		(Nakakalito'ng sinasabi mo)
	Papalit-palit, nakakahilo
		(Ako ba talagang gusto mo?)
	Hanep din, ikaw pa'ng malabo
		(Baka magbago'ng isip ko?)
	Sige pa, bagalan mo
		(Ako na'ng manliligaw sa'yo...)
					--blue palito
					9/1/1998 1225 hrs


Hosted by www.Geocities.ws

1