ISANG PAHINA NG MGA IBINAONG ALAALA
(NA NAPALALIM ANG PAGKAKABAON PERO NAHUKAY KO NO?)


Ang sabi ni Manolo Tuazon, nakilala daw kami sa play namin na MAY ISANG ANGHEL NA NAWAWALA SA MUNDO. Actually, tableaux yon eh. Yun bang nakakalat lahat ng karakter sa oval. Tapos, Voila!, um-appear ang Elvira sa stage na nagtititili ng I-s-mael!!!!!!! Is-maeellll!!!!! Kaya ang joke noon e, ELVIRA IS-MAEL! (as in Ma-L) Bongga, di ba?

Tapos natatandaan ko pa yung sayaw naming DANCE! Na kinoreograph ni Mr. Pasion (love ko siya ha!) na iba’t ibang section ang kasali. Naka-all white kaming mga boylala (DAW!) na may kulay pulang scarf (Naku ha!). Anyway, doon napatunayan ng buong populasyon ng Torres High School na marunong sumayaw si Felix Parado! Kasali rin doon si Manolo Tuazon at si Luis Antonio Abad na kakalase ko, na finalist sa Mr. Valentine of Torres High School ’78.

And then, there’s Mrs. Fernanadez na lagi ng nangungulit sa mga articles habang kami naman ay naglalandian, kami nina Elenor, Eric Santos,  Olivia, Manny, Helen Roque, sino pa ba, ang alam ko si Florizel din e (ewan ko kung lumalandi rin si Riz non, joke lang Riz!). At syempre, ang famous line ko noon, “Ma’am, bukas po.”  Hanggang isang araw ay nabanas na si Kobang at itinanaong kung ano ang title ng aking Tanging Lathalain. At aking sagot : “MAY BUKAS Pa.” E di humalakhak ng walang sound ang mga kakalase ko.

Natatandaan ko rin si Chris Jornales noon na very mahinhin at naïve pero hindi na ngayon ha. (Busiest hooker na siya sa 42nd Street ngayon!, Joke only!) Love ko rin naman tong friend kong ito mereseng hindi nagre-return ng calls no? He’s very nice naman kasi kaya lang talagang busy sa kanyang part-time job as a hooker, di ba?

At noong last summer seminar ng SCA (Student Catholic Action), nakabuo kami ng isang barkadahan ng talagang matindi as in MATINDI! Ako, si Romeo Kabigting, Rogelio Isleta, Tet Castro, Emma Nicolas, Criselda Imperio, Aurora Valderrama at si Lex Parado. Talagang close na close kami, tulungan at nagmamahalan. Lagi kaming nag-mi-meet sa bahay nina Criselda Imperio. Nagtsi-tsikahan, kantahan at tapos sabay-sabay kaming kumakain.Kilala kami ng mga magulang namin. Si Tet din, Kuya Vic pa rin nya ako hanggang ngayon (at for always) Minsan, nawala ang relo ni Lex at alam naming mapapagalitan siya kaya ang ginawa namin, nagbenta kami ng mga bote garapa at old newspapers para maka-raise ng funds at mapalitan ang relo ni Lex. Isa lag yon sa marami pa naming makukulay na karanasan. Yon ang kasaysayan nh “KUYA VIC” Nagbunutan kami ng posisyon namin sa pamilya, ako ang nakabunot ng number one so hayun ako ang naging “KUYA VIC”. It’s been a pleasure though. Si Lex nga at si Tess,  hanggang ngayon, Kuya Vic pa rin ang tawag sa akin which I really like. Ang bunso namin,  si Roger. Ang tawag namin kay Aurora noon, Bato as in batu-bato pero super beauty na si Aurora ngayon. Hindi na pwedeng tarayan! Angh mga pinsan pala namin noon ay sina Chris Jornales, Celso Galvez at Cristina Martinez. Ang theme song namin, “May Isang Pangarap na laging kinakanta nina Marcy Cosare at Chek Velasco sa mga SCA seminars.

Naku, paalam na, talagang-talaga na! Salamat sa lahat at kung mayroon man akong nasabi na medyo hindi akma sa inyong panlasa, humihingi ako ng paumanhin. Hindi ko sinasadya. O, siya, ingat kayong lahat. 

Godbless, 

VIC :-)

Hosted by www.Geocities.ws

1