|
|
|
|
| Dear Classmates and batchmates ,
Science 1 as featured as the Class for the month of July 2000 seem to be an equally favored section of Batch '78 for the KaEskwela Atbp., a website for updates, recalling and keeping in touch our batch. In our class picture we almost all look very thin and skinny, but now I still believe, the girls still remain as beautiful and charming as they are, and the guys for sure are more machos now. I don't actually know how to start this write up for Science 1, I have a lot of things in my mind and as I recall we had a lot of funny moments and happenings, and whenever our section joins a contests we all together join hands to get the crown, and even anybody from us joins a single performance contest the whole class made a way to support the person involved. To my dear science 1, I want to recall with you the happenings we had at Bulacan, yung excitement nating maligo sa batis tapos sa lubluban pala ng kalabaw tayo dinala, yes!! we really did dived and swim sa lubluban ng kalabaw and we really enjoyed it, ang puputi pa naman namin at malasutla ang mga kutis tapos naligo sa putikan o burak na ata iyon sa bukid, buti nalang at di kami nagkagalis or nagka-scabies. And if you remember also na nag-top grosser tayo sa United Nation Booth contest kasi nagtinda kami ng sa malamig gulaman at sago at fish ball at ng kung anu-ano pa. At karaniwan lagi tayong nagpapaalam kay pussycat yung music teacher natin, na may practice tayo for a contest para wala tayong music class, lagi naman tayong pinagbibigyan ni pussycat kahit di totoo. I know ang music teacher ng M1, E1 and cancer ay si Kabayo yata ang tawag nila duon. Ano ba yan pati mga teachers may exact bansag na mag-bebest describe sa kanila, deceased na yata yung music teacher nila, si pussycat kaya buhay pa. For my dear classmates for those who are still single may priest na tayong ka-batch no other than Father Erick Santos, yung kalaban ko lagi sa declamation na tinalo ko rin onetime, naku baka magalit si Fr.Erick but for his compliment siya naman ang author ko sa winning piece ko sa Prinsesa ng Bigkasan sa District 1 wherein I won the first place. And I wish to inform you my dear classmates and batchmates who can read this, the effort and the drive that I have for the Batch'78 which I'm thinking long before on how we can see and get in touch with each other or to have the so called Alumni Homecoming is now a way to become a "dream come true". This was initially made possible by the combine effort and intelligence of Val Buzon M1, Reuel Cruz M3, Rey Bisda Cancer, Lex Parado M1 and with the great cooperation and leadership of Father Erick Santos of Cancer for Manila Core Group. To Marita, Janet,
May, Carina, Eloisa, June Manalo, Ferdie, Victor, Jimmy, Bobby, Mercader,
Roel, Tuason, Carmel, etc., I wish you can join us on our 2nd mini reunion
on August 19, 2000 at Manila Cathedral College-Tayuman at 3:00 pm. Saturday
see you all guys there.
With
much love and missing all of you so much. See you all on our Grand
Alumni Homecoming on 2003.
From your classmate, a batchmate and a true friend, Ma. Edna Adriano Gilera
|
|
MGA NAPUNIT NA PAHINA NG IBINAONG ALAALA Memories… makulay, masaya man o malungkot, ay mananatiling nakakulong sa ating mga puso. Mga memories ang nagbibigay kabuluhan sa ating NGAYON. Mga memories na hindi matapus-tapos at hindi naman kinakapos. Jeproks! Laki sa layaw, laki sa layaw, Jeproks!. Sikat na sikat ang kantang ito noon. Kapag naaalala ko itong kantang ito, naiisip ko yung mga kakalase ko na puro Jeproks. Bakit Jeproks? Dahil siguro mga party animals kami at saka kakaiba, walang pakialam sa mundo at laging masaya. Gusto kong isipin na ito yung term noon for “cool!” Medyo cool yung karamihan sa mga kaklase ko noon (at least para sa akin.). IV-Science –One Society ang napili naming pangalan para sa section naming mahilig sa drama. Bagamat Science ang elective namin, marami sa amin ang mahilig sumayaw at umarte (at maarte, no?) Lingid sa kaalaman na marami, madalas kaming may drama workshop sa hapon sa room na katabi ng Science department sa Torres. Bathroom yata yon na hindi na ginagamit. Doon ko wino-workshop ang mga kaklase kong mahilig umarte. Nangunguna na si Elvira, Emma Nicolas, May Mendoza, Marita Sablay, Edna Adriano at Benilda Inocencio. Pagkatapos ng workshop, binibigyan ko pa ng trophy ang mga mahuhusay na participants. Mereseng ang trophy eh mga basyong bote ng alak na nilagyan ng ribbon. Medyo recourceful at creative na kami noon. Halos lahat ng ipinapalabas namin ay orig. Pag may drama competition, maraming drama, mga sigawan at awayan kasi noon, mahilig din akong tumili habang nagdi-direct e. Feeling ko kasi Tony Mabesa ako e. Medyo proud din kasi ang mga ipinapalabas namin yung gawa talaga namin. Wala kaming panahon kung win man o lose basta na-express namin yung gusto namin. Minsan nga sa isang Dramafest, yung isang judge hindi talaga kami ipinanalo kasi daw nagbu- bullshit yung mga karakter sa play namin. Imoral daw kasi nagmumura. (Mas okay daw kung putang-ina na lang ang ginamit at hindi bull shit!) Pero English Dramafest e.! Nakipag-away pa nga si Mrs. Romero , yung class adviser namin dahil ipinagtatanggol nya kami. Naintindihan naman namin kasi talaga namang may mga taong makikitid. At saka syempre ang politics ganun-ganun na lang, di ba? Maganda talaga yung mga experiences namin noon. Minsan, magpapalabas kami ng sabayang bigkas pero dahil gahol na sa panahon, hindi na namemorize ang piece. Puwes, biglang ilagay sa harapan ng stage ang mga nakakabisado at idikit ang kopya sa likod nila , para mabasa ng mga hindi nakakabisado sa likuran. O di effect! Believe din naman ako sa mga kaklase ko dahil sa respeto nila sa aking bilang leader ng section namin. Si Jay Po, ang natatandaan ko, tahimik lang siya e, pangiti-ngiti pero laging sqeaky clean. Parang laging bagong paligo at saka mabait siya. Syempre mababait naman talaga kami noon (Yeah, right!) Natatandaan ko pa sina Cynthia de Castro na leader namin sa Physics na maloka-loka sa amin ni Arturo Florentino dahil wala kaming ginawa kundi maglandian sa grupo habang ang mga kaklase e nag-e-experiment. Minsan naman, naglakwatsa kami sa Manila Zoo at nag-boating dun sa may mga unggoy. Bongga, kasi napalapit ang canoe sa island na may mga kaungguyan. E di syempre inaabot kami ng mga okray na unggoy. Panic kami at nagtayuan sa loob ng bangka habang tumitili ng walang patumangga! Sa awa ng Diyos, tumaob ang bangka at kami ay lumangoy sa mabahong tubig and of course, ang kahihiyan dahil ang mga tao’y nagtatawanan. Nakakahiya! Nakakabangag talaga yon! Nagkaroon din kami ng “underground seminar” for three days sa Malolos Bulacan, sa bahay nina Julie Barredo. Bakit nga ba underground?. Ah, siguro kasi private, kami-kami lang talaga, walang teacher na kasama tapos medyo nagsinungaling yata kami dun sa permission slip na pinirmahan ng mga magulang namin. Parang ilegal at hindi alam ng eskwelahan. May mga activities kami na talagang nakatulong naman para maging close pa kami lalo. At si Jimmy Yap ay nag-swimming sa dam pagkatapos ng morning run . Hindi ako kasama dahil nag-peprepare kami ng breakfast. Aba, nakabalik na ang lahat e wala pa ang Jimmy Yap. Syempre nag-panic ako dahil kabilin-bilinan ko pa na huwag silang mag-su swimming sa dam at baka umuwi ng may bulak sa ilong. Naku, sa galit ko, ang ipinakain ko kay Jimmy, yung mga tirang champurado sa pinggan ng mga kakalase ko na pinagsama-sama ko sa isang pinggan. Naku, finally, mabubuking na ako ni Jimmy after all these years. Memorable talaga itong seminar na ito kasi, nagkaroon ng katuparan yung pangarap namaing kalayaan kahit for three days lang. Mababait talaga yung mga kaklase ko. Kahit sina Jhun Manalo at Gerry Lapid na matatangkad pa sa akin e may respeto naman sa akin. Kasama sa seminar si Julie, May Mendoza, Elvie, Oscar Obamos, Cynthia de Castro, Arturo Florentino, Bobby Castro, Carina Ordonez, Eloisa (AKA Nunag), Carmel Seno, Arlene Manio at marami pang iba pero hindi ko maisip at ako ay binibigo nag aking memorya. Marami pang kalokohan e. Nilagyan namin ng ginayat na sayote ang bulsa ng jacket ni Ms. Sales. Pinag-aaway namin si Mrs, Sagun at Mrs. Ale . Naku, sa mga makakabasa nito, pasensya na kayo sa pagtatagalog ko na medyo trying hard. Si Manny Tuazon naman (AKA Olga) ng IV-English-1, ang lagi nyang naaalala e yung nagpapalabas kami sa Homeroom nila at sila naman sa Homeroom namin. Si Joseph Gelito ang Darna, si Modesto naman yung super hero na ginampanan ni Trixia Gomez at syempre ako si Super Gee. Naaalala din ni Manny yung panahon ng mga quizzes sa Trigonometry. Sila ang sumusunod sa amin sa classroom ni Mrs. Sagun. So pag labas namin, give na kami sa kanila ng sagot sa Test I na multiple choice. So pagpasok nila sa room, bumubulong sila ng B, D, A. B. D , C, B. D ,A, A . Yon yung tamang sequence ng mga answers sa Part I ng test. Imagine, kung may makalimutan silang isang letter lang sa sequence, zero na sila agad sa Test I. Pero syempre, hindi naman nangyari yon dahil mga Miss Talent naman yung mga kaibigan namin. Nakaka-miss din yung magandang pagsasamahan namin noon ng mga kaibigan ko sa E-1 at M-1 at Special Science classes. Minsan, naiisip ko, what if we just had one section 1, yung cream of the ice cream, Ay! Cream section pala. Siguro masaya din. Pero minsan naiisip ko, mabuti na ring hindi at baka hindi pa ako makasama sa cut-off ng mga mapupunta sa section 1, e di lost of love pa ako, di ba? Okay na rin yung maraming section one. Mas marami, mas masaya! Ang high school life ko ang pinakamakulay na chapter ng buhay ko. Very idealistic kasi kami noon at carefree. Marami rin sa mga kaklase ko ang progresibo ang pag-iisip. Minsan nga naiisip ko na we were ahead of our time. Minsan, may araw na na-decide namin ng mga kabarkada ko na pumasok ng walang underwear at sinasalat namin ang mga likuran para malaman kung talagang walang underwear(Likuran sa dakong ibaba ha, Naku sorry Tita Armida!) . Feeling liberated kasi kami noon na at gustong talbugan sina Ellen Esguerra at Laura Danao (Baduy talaga!). Hihiramin ko yung linya ng kaibigan kong si Boyet (AKA Romeo Kabigting). Sa Sa IV Science-One Society ako natutong magtaas ng pantalon at magpahid ng uhog ko. Marami akong natutuhan na hanggang ngayon napapakinabangan ko sa pamumuhay ko rito sa ibang bayan. Pinakamahalaga na yata yung pakikipagkapwa-tao at pagiging positibo. Gusto kong pasalamatan ang lahat ng mamamayan ng munting lipunan na kinalakhan ko.Salamat sa pagmamahal, respeto at pagtitiwala (At sa pagpapakopya nyo sa akin lalo na sa Math!) Teka sino nga ba ang mga kaklase ko? Sina Elizabeth Robillos, Lindbergh Pineda, Janet Alfonso, Luisa Lomarda, Arlene Manio, Eduardo Tuazon, Edwin, Lilibeth Sanchez, Ferdie Zalameda, Wilma Anne Baez, Octavio, Antonio, Reynaldo Santos, Luis Antonio Abad, Emma Nicolas, Carmel Seno, Sonny (kaibigan ni Booby Castro at Jhune Manalo), Roel Victoriano, Octavio, Rick, Patricia. At ngayon naman, pag naiisip ko yung mga eksena noon, natatawa ako kahit mag-isa lang ako. Kahit may competition among the leading sections, naging magkakaibigan din naman kami at may respeto sa bawa’t isa. Naku, kung sino man ang nakalimutan ko, please lang, huwag nyo naman akong isumpang maging daga. Ipagpatawad nyo. Sulatan nyo ako kung maaari at kung may panahon kayo. Nami-miss ko kayong lahat.(Wa etching yon!) Ay teka sandali, baka makalimutan ko pa ang SCA (as in SCAlandian at iba pa. Sorry, Ms. Legarda) na naging malaking bahagi na ng buhay ko. Dito ko nakilala at naging ka-close sina Rogelio Isleta, Lex, Criselda Imperio, Cristina Martinez, Au, Tet, Emma. Ano pa ba, ay oo, Ang Sulo at syempre si Kobang no? Pinapakain tayo ng camote cue for lunch pagkatapos ng competition sa Journalism. At si Binibining Anatalio na tinagurian nating Susan Kelly. Edad 20 ay love ko, of course. Si Mr Santos naman na favorite ako ay isinama ako sa BIVOUAC ng mga seniors sa Majayjay, Laguna mereseng ako ay third year pa lang. Tatlo yata kami noon. Si Jhune Manalo at Randy Espera. Sana sulatan pala ako ni Leila Plopino, ang original na babaeng bakla. Love ko siya kasi bonggang makisama at bonggang aktres no? So ngayon, after so many years, masarap magbalik tanaw. Minsan pa, gusto kong sariwain ang masasaya at masasakit na karanasan sa high school. Syempre may growing pains no. Maraming challenges na nakatulong sa paglago ng bawa’t isa sa atin. Naalala ko yung Practical arts teacher ko nung first year. Ang sabi niya, mayabang daw ako. Kasi nung first day na nagpakilala ako sa harapan, ang sabi ko, I want to earn my first million (pesos no?) at the age of 25. Nasaan na? Pero marami naman akong pangarap na natupad din. Pero ang pinakamaganda sa lahat ay mananatiling buhay sa alaaala ko ang makukulay na karanasan sa Torres kasi nga naging malapit naman ako sa mga kaibigan ko from different sections. Hindi naputol yung pagkakaibigan, hindi natapos sa Torres bagkus ipinagpatuloy pa hanggang dito sa bayan ni Bill Clinton at Monica Lewinsky. Parang kapatid ko na sina Tess at Felix . Si Tet Castro at Aurora Valderrama naman ay magiging malapit sa puso ko forever. Inaanak ko pa nga ang only child ni Aurora na 18 years old na ngayon. Sina Dana at Riz naman, laging mainit ang pagtanggap sa akin pag nagagawi ako sa California. Mababait talaga silang kaibigan (Sipsip!) Si Inia Asuncion naman e lagi kong katsikahan sa mga parties dito at nagkita pa kami sa concert ni Pops Fernandez sa Manhattan kasama ko pa si Boyet Kabigting. Sosyal na sosyal ang dating ng Tita Ganda ko! At syempre, si Ohlong, ay si Manny pala ay kasama kong nagha-hang out from time to time. Si Chris Jornales naman ay medyo busy kaya medyo hindi na kami nagkikita. At syempre, si Boyet Kabigting na hindi naman natin ka-batch ay araw-araw kong nakakaututang dila. Tapos yun nga, Si Val at ang kanyang pamilya ay pumasyal dito kaya nagkita-kita kami. Masaya rin. Naku Val, ang dami ko ng utang sa iyo kaya eto, sumulat ako kahit papaano para mapagbigyan ko yung request mo. Mahaba na no? Anyway, gusto kong magpasalamat sa inyong lahat for the memories. Isang araw, alam ko lang, magkikita-kita tayong muli. Sa Batch 78, mabuhay tayong lahat!!! THANK YOU VERY MUCH AND I LOVE YOU ALL. YON LANG AT BABU!!!! :-) Ang inyong lingkod na parang alak na habang tumatanda ay lalong
sumasarap, VIC :-)
|