|
Absolute!
Ngayon naman ay mahalagang pag-aralan natin ang isang theological word na kaugnay ng Gospel na bagama’t kadalasang ginagamit ng mga theologians ay waring binabalewala o tahasang tinatanggihan ito sa kasalakuyang panahon. Ang salitang ito ay “Absolute” na kadalasang ikinakabit upang tukuyin ang isang bagay na hindi nagbabago tulad ng “absolute truth,” at “absolute gospel.” Sa salitang absolute truth ay walang tumututol ngunit ang nakapagtataka kapag ang ‘absolute’ ay ikinabit sa ‘gospel’ (at ito nga’y “absolute gospel”) ay marami kaagad ang tututol at ang iba’y may pangungutya pang tinatawag na “absolutists” ang mga naniniwala sa absolute gospel. Kanilang kinakatwiran na hindi raw ginagamit ang salitang ‘absolute’ sa Biblia. Ito’y parang pangangatwiran ng isang bata. Sapagkat marami tayong tinatanggap na katotohanan na ang mismong kataga ay wala sa Biblia, tulad ng “Trinity,” “Great Commission,” “Golden Rule” at iba pa. Gayun pa man, napapanahon na tingnan natin ang kahulugan ng salitang absolute. Dapat nga bang ikabit ang “absolute” sa “gospel?”
Sa Random House Webster’s Unabridgeed Dictionary ganito ang nakatala hinggil sa salitang “absolute:”
Ab-so-lute (ab’ se loot’, ab’ se loot), adj.
1. free from imperfection; complete; perfect: absolute liberty.
2. not mixed or adulterated; pure: absolute alcohol.
3. complete; outright: an absolute lie; an absolute denial.
4. free from restriction or limitation; not limited in any way: absolute command; absolute freedom.
5. unrestrained or unlimited by a constitution, counterbalancing group, etc. in the exercise of government power, esp. when arbitrary or despotic: an absolute monarch.
6. viewed independently; not comparative or relative; ultimate; instrinsic: absolute knowledge.
7. positive; certain: absolute in opinion; absolute evidence.
Antonyms: 1. imperfect, flawed. 2. mixed, diluted, contaminated. 3. qualified. 5. relative.
Sa New Vicassan’s English-Pilipino Dictionary ay ganito ang pagkakatala:
Absolute: adj. 1. Lubos; ganap; buo: absolute truth: lubos na katotohanan 2. Walang takda: absolute power: walang-takdang kapangyarihan. 3. Puro; dalisay, walang-halo: absolute alcohol: purong alcohol. 4. May-lubos na kapangyarihan. 5. Tiyak; pangwakas; di-mapasusubalian.
Kung sisipagan lamang ng mga tumututol sa pagtawag sa Ebanghelyo bilang “absolute” na buksan ang kanilang diksiyunaryo, mapa-English o mapa-Tagalog, ay makikita nila na ang lahat ng kahulugan ng salitang “absolute” ay mga katangian mismo ng Tunay na Ebanghelyo. Sa English Dictionary ay ang mga sumusunod ang ipinapakahulugan sa salitang ‘absolute’: “free from imperfection,” “complete,” “perfect,” “not mixed or adulterated,” “pure,” sa Tagalog Dictionary naman ay ganu’n din: lubos, ganap, buo, puro, dalisay, walang-halo, tiyak, di-mapapasubalian! Ano ang mga ito? Walang iba kundi maituturing na mga katangian ng Tunay at nag-iisang Ebanghelyo. Ang Ebanghelyo ng Dios ay perpekto yamang ang Dios na nagbigay nito ay perpekto. Ang Ebanghelyo ay kumpleto o lubos at walang halong kahit katiting na kasinungalingan o kamalian. Ang Ebanghelyo ay ganap at tiyak, hindi nagbabago sa lahat ng sitwasyon at sa lahat ng kapanahunan. Iisa ang Ebanghelyong ibinigay ng Dios sa ikakaligtas ng makasalanang tao, kaya nga mariing sinabi ni apostol Pablo na “…kami o isang anghel mula sa langit ang mangaral sa inyo ng ebanghelyo na iba sa aming ipinangaral sa iny, hayaan siyang sumpain!...kung sinuman ay mangaral sa inyo ng ebanghelyo na iba kaysa inyong tinanggap na ay hayaan siyang sumpain!” Gal 1:8 – 9.
Kaya nga ang sagot natin sa tanong na “Dapat nga bang iugnay ang ‘absolute’ sa ‘gospel?’ ay Dapat na dapat! Upang sa ating kapanahunan ay ating maihiwalay ang tunay sa palsipikadong ebanghelyo. Ang Tunay na Ebanghelyo ay “Absolute Gospel!” Ang bulaang ebanghelyo ay pabagu-bago, at nahahaluan ng maliliit hanggang sa malalaking kasinungalingan at kamalian. Ang Tunay na Ebanghelyo ay purong katotohanan lamang. Kaya nga, nangangamba ako sa mga tumututol na tawaging ‘absolute’ ang ‘gospel’ na ang dahilan ng kanilang pagtutol ay ang kanilang pananalig sa ebanghelyong may halong katotohanan at kasinungalingan na sa panukat ni apostol Pablo ay ibang ebanghelyo at hindi ang Tunay na Ebanghelyo o sa madaling salita ay bulaang ebanghelyo. Ngunit sa panig natin na tinawag ng Dios sa pamamagitan ng Kanyang Ebanghelyo ay isigaw natin na ang “Absolute Gospel” lamang ang Ebanghelyong nakapagliligtas!
Go to Homepage
|