Makasaysayang Hilongos



     Ang pangalang Hilongos ay nagmula sa salitang "ilong" na nangngahulugang "nose" sa Ingles, at "lomos" na tumutukoy sa mga taong nalulunod sa "salog river" sa Hilagang bahagi ng bayang ito. Ito ay hango sa pangalan ng isang tribo ng mga Ilongot na unang nanirahan dito. Nang makarating ang mga conquistadores dito pinalitan nila ang pangalan nito mula sa "ilong" ay naging "El Pueblo de los Hilongos".

     Taong 1603, nang dumating sa lugar na ito si Fr. Fabricio Sersali, isang Heswitang prayle,ayon sa kanya, ayaw tanggapin ng mga katutubo ang Kristyanismo. Ang baranggay ay pinmumunuan ni Datu Magahong.Hindi nagtagal siya ay bininyagan bilang isang Kristyano sa pangalang Manuel Manicar at naging kauna-unahang gobernadorcillo.

     Dahil sa pagdami ng mga naninirahan dito, ginawa itong parokya noong 1737 at sa taong 1737, ang lungsod ng Ormoc hanggang sa Palompon ay naging bahagi ng "Ecclesiastical Jurisdiction" ng Hilongos. Ito rin ang panahon na iang Padre Leonardo Celis-Diaz, mula sa Cebu ang nagpatayo/nagpasimula sa konstruksyon sa lumamg batong simbahan at "belfry"(campara) na hanggang ngayon ay matayog na nakatayo sa bayan na ito. Ang mga taga-Hilongos ay madaling natuto at naging mga Kristyano. Sa taong 1885, sampung taon mula nang palaganapin ang Kristiyanismo, halos humigit kumulang ang umabot sa 11,560 ang naging Katoliko sa bayan ng Hilongos.

     Sa panahong ito, ang edukasyon sa mga kabataan sa lugar na ito ay nasa pamamahala ng mga prayle gaya ng iba't ibang lugar sa bansa.Mula 1774 hanggang 1779,mayroon ng mga paaralang munusipyo (municipipal school) na itinatayo sa Hilongos at 6(anim) na paaralan sa ilang baranggay. Ang mga paaralang ito ay pinamamahalaan ng mga Heswitas nang makalaunan ay ng mga Augustinian.

     Ang lokal na pamahalaan ng mga Espanyol ay nakaranas din ng mga paglalaban mula sa ilang mga Hilongosnon. Isa nito ay pinamumunuan ng isang Manicar sa baranggay Pulta (ngayo'y na tinatawag na Santa Margarita). Pinalaya niya ang mga ikinulong sa Casa Real ngunit siya ay nahuli at binitay.Ilang taon ang nakaraan, isang kilabot na tulisan,si Levio Mejia ay nagsagawa ng maraming pag-aalsa laban sa pamahalaang Espa�ol. Hindi siya nagbayad ng buwis kaya kinuha lahat ang kanyang mga hayop.Dahil sa kanyang galit lumaban siya at hindi kagaya ni Manicar siya ay hindi nahuli ng mga Espa�ol.

Maliban sa relihiyon ipinakilala ng mga Espa�ol ang sining.



Mga Lokal na Bayani










Hosted by www.Geocities.ws

1