Impluwensyang Espaņol sa mga Hilongosnons


A. Wika

     May mga mananalaysay na nagsasabing hindi kusang pinalaganap ng mga Espanyol ang kanilang mga wika, bagkus ay ipinagkait ito sa mga Pilipino.Ito ay kaugnay sa paniniwalang kapag natuto ng wikang Espaņol ang mga Pilipino,maaring malaman at maliwanagan nila ang kanilang mga karapatan at magkaroon ng pagkakaisa. Gayunpaman,marami ring Pilipino ang magsalita at sumulat sa wikang Espaņol.Sa "Glossary of Spanish Terms",nahatala dito ang ilang mga wikang Espaņol na hanggang sa kasalukuyan ay ginagamit pa rin na ating mga kababayan.  


ADIOS-paalam
ALTAR-dinadasalan
AMIGO-kaibigan
ABANTE-sulong
ALTRAS-urong
BAPOR-sasakyan pangdagat
BONANZA-jackpot
BURLIS-naghuhubad
COLLEGIO-mataas na paaralan
CHEQUE-pera na nasa papel
CUM LAUDE-matalinong tao
CORAZON-isang pangalan
CARTERO-taga-hatid ng sulat
DIYAMANTE-isang crystal
DON-tawag sa taong mayaman
ETTIQUETA-tag/brand
ESTRANGHERO-ordinaryong tao
FIESTA-pista/pagdiriwang sa isang barangay
FANDANGO-uri ng sayaw
FAMILIA-pamilya
HACIENDA-malaking mansion
KUBYERTOS-kutsara
KWADERNO-note book
KAPILYA-simbahan ng barangay
LETRA-naghahalaga ng alpabeto
LAVABO-gamit sa kusina
LECHON-uri ng pagkain
MAESTRO-guro
MACHO-taong may malaking katawan
MESA-hapag-kainan
MANTIQUILIA-butter
MAQUINA-makina/machine
MUCHACHA-katulong
MESTIZO-taong may makinis na kutis
MAQUINILIA-type writer
NOVENA-uri ng pagdarasal
PESO-pera
PIER-daungan ng bapor
PROPAGANDA-advertisement
PITCHEL-lalagyan ng tubig
PLAZA-lugar panlibangan
PLATITO-maliit na pinggan
QUATRO-apat
QUESO-uri ng pagkain
QUARTO-silid




B.Lokal na Kaugalian at Tradition


Binyagan- Isa sa mga kaugaliang Pilipino.Isa rin itong pagdiriwang na panrelihiyon. Ang binyag ay isang pagbibendisyon ng pangalan at paghuhugas ng kasalanan ng isang sanggol. Ayon sa ating paniniwalang katoliko,ang bata na bagong silang ay nagmamana ng kasalanan galing sa mga magulang(ito ay tinatawag na "original sin").Kay kinakialangan ng isang sanggol ang mga kapatawaran dito at ito ay makukuha sa pamamagitan ng binyag.Ang binyag ay isinasagawa ng isang paring katoliko sa loob ng simbahan.Kasama sa binyag ang mga Ninong at Ninang.Silang ang magiging katulong at katuwang ng mga magulang sa pagpalaki ng mga bata sa tama o wastong daan para lumaki ang bata na mabuting kristiyano.Pagkatapos ng seremonya ay karaniwang mayroong handaan sa mga magulang ng bininyagan para sa lahat ng mga inimbitahang bisita.

Kasalan- ito ay pagbabasbas sa dalawang nagmamahalan para magsama bilang mag-asawa habang buhay. Pwedeng isagawa ang kasal sa isang alkalde ng lungsod o huwes at pastor.Ang kasal ng pari ay kalimitang sa simbahan isinasagawa, samantalang ang kasalang isinasagawa ng alkalde ng lungsod o kaya'y sa Huwes ay andoon sa kani-kanilang opisina. Ito ay mayroong Ninong at Ninang na tumatayo bilang saksi ng seremonyas.Pagkatapos ng kasalan, hindi talaga mawawala ang nakaugalian ng kainan at kasiyahan.

Pistahan- Ito ay pagdiriwang sa Pilipinas na kaugnay sa paniniwalang panrelihiyon ng mga Pilipino. Ang pista ay isang pasasalamat sa patron o patrona ng sinsamba ng mga tao.Sa pagdiriwang na ito namamalas ang mabuting ugali ng mga Pilipino.Kung may pistahan,nagtutulong-tulong ang mga tao.Bawat isa ay nagkakaisa upang magtagumpay ang pistahan.Sa tuwing sasapit na ang pista,may padasal ang simbahan sa loob ng siyam na araw na tinatawag na "NOBENA".Kadalasan ang ika-siyam na araw o huling araw ng nobena ay itinatapat sa bispera at pagkatapos ay may prusesyon sa lansangan ng lungsod para sa patron nito.



C.ARKITEKTURA

     Ang mga batong gusali,simbahan mga bahay na tisa at gawa sa kahoy ang mga naiwang impluwensya ng mga Espaņol sa larangan ng arkitektura hindi lamang sa ibang bahagi ng Pilipinas, pati na rin dito sa bayan ng Hilongos. Ang mga gusaling ito ay itinayo noong kalagitnaan ng pananakop at hanggang ngayon ay matayog pa ring nakatayo hindi lamang sa sentro ng bayan pati na sa ilang baranggay.






Hosted by www.Geocities.ws

1