Mga Barangay ng Hilongos


              Ang bayan ng Hilongos ay binubuo ng 52 barangay. Halos lahat ng mga kaugalian at tradisyon ng mga naninirahan sa bayan at mga barangay na ito ay na impluwensyahan ng mga Espa�ol. Mula sa pananampalataya, pananalita, panananit,libangan at laro pati halos sa paghahanda ng pagkain ay pahanggang ngayon naging bahagi na ng buhay ng mga Pilipino.
              Ayon sa mga nakatatanda sa ibat ibang mga barangay, may ilang lugar sa bayan na ito na nagkaroon ng pangalan mula noong dumating ang mga Espa�ol.

Brgy. Owak


              Noong unang panahon, ang kugar na ito ay palaging binibisita ng napakaraming itim na ibonna sa ingles ay tinatawag na "crow". Sa panahon ng panankop, palaging dinadaanan ng mga nagpapatrolyang mga sundalo ang lugar na ito, tinanong nila kung ano pangalan nito na sinagot naman g mga tagaroon na "OWAK"( Visayan dialect for Crow) sa pag-aakala na ang tinutukoy ng mga sundalo ay ang mga ibon. Simula noon ang lugar na ito ay tintawag ng mga sundalo na "OWAK" na naging pangalan nito hanggang ngayon.

Brgy. Kanghaas


              Bago pa dumating ang mga Espa�ol, ang lugar na ito ay pugad ng ibat ibang uri ng ahas. Kinakatakutan ang lugar na ito ngunit, dahil sa tulak ng kahirapan at pangangailangan ng matitirhan lalo pa ng dumating ang mga kastila, napilitan ang mga tao na tumira dito. Napadaan dito ang pangkat ng mga sundalong Kastila at tinanong kung ano ang pangalan ng lugar na ito, sinagot ng mga tagarito na ito ay lugar ng mga ahas. "AH, AHAS" paulit-ulit na binigkas ng mga sundalo,simula noon tinawag na itong "KANGHAAS".

Brgy. Bung-aw


              Isang araw, isang grupo ng mga sundalong Espa�ol ang nakarating sa bundok ng Hinlawin-an. Nakasalubong nila ang ilang katutubo at tinanong nila kung ano ang pangalan ng naturang lugar. Hindi nila naintindihan ang sinabi ng dayuhnngunit sinagot pa rin nilang "BUNG-AW"(dahilan sa napakalalim at matirik nitong bangin). Simula noon, tinawag na itong Bung-aw sa mga sundalo at mga taga- barangay.

Eastern Barangay


              Noong unang panahon, ang Eastern barangay ay wala pa, hanggang si Pangulong Ferdinand Marcos ay gumawa ng Presidential Decree tungkol sa paghahati ng lungsod na may populsyon. Ang probinsya ng Hilongos ay hinati sa tatlong barangay na may kapasidad na maging isang barangay, sila ay kailangang magkaroon ng humigit kumulang 1000 inhibitants. Ang tatlong barangay na nabuo ay ang Ea\stern Barangay, Central Barangay at ang Western Barangay. Pinangalan nila itong Eastern barangay dahil ito ay nasa Silangang bahagi. Sa ngayon, marami ng pagbabagong nagawa tulad ng ospital, medical clinic, pre-schools, at marami pang iba.

Brgy. Bagumbayan


              Noong unang panahon, kaunti lamang ang nakatira sa lugar na ito dahilan sa ito pa ay isang gubat. Ito ay isang pook na nasasakop sa Brgy. Baas Hilongos, Leyte. Ito ay pinangalanang Sitio Hinayaan, dahil sa sapa na nakapalibot dito. Sa paglipas ng panahon, dumami ang mga bahay na itinayo sa lugar na ito dala sa kahirapan hanggang idineklara na isang baryo noong 1960. Pinangalanan itong "BAGUMBAYAN" dahil ito ay nabago galing sa isang Sitio Hinayaan.





Hosted by www.Geocities.ws

1