Filipiniana

menu l home

Karera
ni Cheryl Ann Ramos

Ang buhay ng tao ay makulay at masaya
Kaya hali na at sumali sa karera.

Hindi bale kung sing-kupad at bagal ng pagong
Basta't buo at alam mo ang iyong patutunguhan.

May iba r'yan na mala-higante at mala-elepante
Sa laki at bigat ng mga pangarap.
Ay siyang nakapagpapakupad sa pagsali
Niya sa karera.

May iba r'yan na sumali na sing-Astig at bangis
Ng leon at tigre
Na kulang naman sa diskarte.

May iba r'yan na parang mga demonyo
Kung humagikhik at gumimik
Na akala mo'y si Kiko Matsing
Punong-puno ng pandaraya ang nasa kukote
At dahil puro short-cut ang hilig puro palpak
Ang gimik at diskarte.

Sa tingin mo alin ka ba r'yan?
Maging sino ka man importante ay di ka
matakot
At buo ang loob mo na sumali at mabuo ang
determinasyon
Mong sumali sa karera.

Kaya ihanda na ang sarili at sumali sa karera.

Eskwela
ni Jeanne Abarquez


Komo usa nga anak
Magpapadayon nga hinugaran han kag-anak
Naudlot nga mga ambisyon
An mga anak an magpapadayon.
Komo usa nga eskwela
Kabahin nga problema an kwarta
Kalugaringon una nga nasuporta
Kag-anak na la an ika-duha.
Komo usa nga eskwela 
An pagkuri antosi na gad la
Balon ngan pamasahe
Iksaktuhay la an tag-biente.
Tungod hin kakuri han kinabuhi
Binabaktas na la an pag-uli
Burunyog an mga kasangkayan
Nga padayon naghahatag hin karisyohan.

Hosted by www.Geocities.ws

1