Filipiniana

menu l home

Pangarap

ni FAL

 

Bawat tao ay may pangarap

Nandiyan ang makaahon sa hirap at kung

anu-ano

Ngunit talaga nga kayong kakambal ng buhay

ang mabigo't magtagumpay

Ngunit ganyan talaga, ito ang buhay.

 

Minsan di natin sukat akalain na ang idinikta

ng kapalara'y kapighatia't

lumbay ng buhay.

Kasiyahing naghihintay ay hinagpis

At luha sa puso't mga mata

Na nag-uudyok sa ating gumawa ng

mabuti't masama

 

Panginoon...Panginoon...

Sambit ng karamihang naghihirap ang

kalooban

Na napagtantong Siya'y ating

makakalimutan

Ang Siyang maylikha sa ating buhay

 

Kapag nawala man minsan sa landas

ng kapalaran

Ang mahalaga'y nagbalik ka't

Nagsisi sa kasalanan.

Hinarap muli ang katotohanan

Na ito ang landas ng ating buhay.

 

Di man natin nalalaman

ang tunay na daan ng kapalaran

Matuto lang tayong lumingon sa

pinanggalingan

Na siyang magtuturo ng tamang daan

Na siyang tanging pangarap ng nais

makamtan.

 

Bakit Ikaw Pa?

ni Jengrin

 

Sa tuwing kasama ka'y mundo ko'y kay saya

Sa tuwing ika'y nakikita araw ko'y kumpleto na

Sa tuwing kamay ko'y iyong hawakan,

Pakiramdam ko'y ako'y nasa langit na

Bakit ganito ang nadaramam, puso ko'y lumulundag sa

tuwa.

 

Ewan ko kung bakit sa yo ko pa nadarama

Kung pwede lang sana ibaling sa iba

Sapagkat buhay mo'y inilaan para sa kanya

Puso't kaluluwa mo'y inihandog mo na sa kanya.

 

Kung pwede nga lang agawin kita sa kanya

Di sana'y nagawa ko na, sapagkat mahal kita

Kaya lang ang mahal mo'y mahal ko rin

Lumikha sayo't akin...

 

Hosted by www.Geocities.ws

1