by:
Joey Diego
Through the invitation of direk Gilbert Perez, dinalaw namin ang first shooting day ng First Romance, ang
launching movie nina John Prats at Heart Evangelista na kinunan sa Ilaya Mini Park sa Guadalupe, Makati kung
saan mismong sa ilalim ng Guadalupe Bridge at Pasig River kinunan ni direk ang eksena nina John at Heart.
Nadatnan naming nasa loob ng Barangay Hall ng nasabing lugar ang dalawa habang hinihintay ang pagtawag
sa kanila ni direk Gilbert kaya malaya naming na-interbyu nang sabay ang magka-loveteam na sweet na sweet
sa isa't-isa. Marami kaming nadiskubre sa dalawa, una ang 'di nila pagkagusto sa isa't isa nu'ng nagsisimula pa
lang si Heart sa showbiz, ang unti-unting pagkahulog ng kanilang mga damdamin sa kasalukuyan at ang
nabubuong romansa na namamagitan sa kanila ngayon. Aminado ang magka-loveteam na they really like each
other, pero tulad ng ipinangako ni John sa father ni Heart noong nakaraang debut nito, hindi muna niya ito
liligawan.
Parehong nasa cloud nine ang feeling ng dalawa dahil anila, hindi raw sila makapaniawala na may
launching movie na sila, pakiradam nila, hindi pa raw hinog ang loveteam nila para bigyan ng ganitong kalaking
break pero ang paniniwala naman ng Star Cinema panahon ng para ipakilala nang todo sa publiko ang loveteam
ng dalawa na unang nakilala sa G-mik.
"Sobrang excited ako at hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na may launching movie na
kami. Ngayon ko napatunayan 'yung sinabi sa akin noon ni Echo (Jericho Rosales) 'yung feeling na kapag
ikaw na 'yung bida sa pelikulang ginagawa mo, talagang iba naman ang pakiramdam, parang isang malaking
achievement sa sarili, parang fulfilment na rin bilang artista," sabi naman sa amin ni John.
"I really want to prove to all of them na hindi masasayang 'yung pagbigay nila sa amin ng break dahil dito
namin ipapakita ni John ang expectation na hinahanap nila sa amin. And we're hoping na sana nga ma-meet
namin 'yung matagal nang wish ng mga fans namin na makita kaming muli sa pelikula after Trip," say naman
ni Heart.
Ayon kay John, inihahalintulad niya ang loveteam nila ni Heart sa loveteam nina Judy Ann Santos at
Rico Yan noon, samantalang paniniwalaan naman ni Heart na mala-Jolina Magdangal at Marvin Agustin ang
pattern ng loveteam nila dahil pareho daw silang bubbly ni John tulad ng dalawa noon na pinasikat din ng Star
Cienama at ABS-CBN.