|
John in love na in love kay Heart
Tuesday, April 22, 2003 Section: Entertainment
By Joe Barrameda
Isa sa mga kabataang artista natin ngayon na may magandang PR ay si John
Prats.
Kapag may nakikitang press people itong si John ay agad niya itong
nilala-pitan para magbigay galang. Nasaksihan namin ito nang pasyalan namin
si Boy Abunda sa taping ng The Buzz sa ABS-CBN kamakailan lang.
Sinilip rin namin ang teyping ng ASAP at nakita kami ni John Pratts. Aba, eh
, kahawig na siya ngayon ni Aga Muhlach. At ka-tulad ng sinabi namin kanina,
kaagad din itong lumapit sa grupo namin at binating isa-isa ang aming mga
kasamahan.
Pag nakikita ng press si John, ang kaagad na itinatanong ay si Heart
Evangelista na kanyang ka-love team. Kaagad namang nagiging maaliwalas ang
mukha ni John kapag si Heart na ang topic ng usapan.
Mukhang tinamaan nga ni Kupido ang puso ni John dahil halatang in love
talaga ito sa dalaga.
Kahit hindi niya aminin sa amin ay kitang-kita namin sa mga kilos ng binata
na in love siya kay Heart.
Kaya lang, ayon kay John, hindi pa raw niya nililigawan si Heart, although,
may balak siya, pero nahihiya siya sa ama nito dahil naging close na rin
siya dito. Sa katunayan ay sasama siya sa pamilya ni Heart para mag-fishing
sa Batangas.
Hindi malinaw sa amin kung inumpisahan na ni John at Heart ang pelikulang My
First Romance na launching movie nila under Star Cinema at ididirek ni
Gilbert Perez. Sa aming pagkakaintindi, isang light comedy romance ang
pelikulang ito. Sana lang, matapos ang pelikula bago magbukas ang klase sa
June. |