|
Kahit galing sa marangyang pamilya, (Ongpauco clan) ay ayaw
ni Heart Evangelista na gawing super engrande ang kanyang debut. Mahirap daw
kasi ang buhay ngayon kaya gusto niya ng isang simpleng selebrasyon lang.
But of course, nando�n pa rin �yung 18 roses and candles at ang cotillion.
�Times are hard,� ani Heart. �Siguro I will just share some of my blessings
to the less fortunate children kesa gastusin ko sa debut ko,� dagdag pa niya.
Sa Feb. 14 ang 18th birthday ni Heart, pero ang celebration will be held
tonight (Feb. 11, 6:30) sa Maynila Ballroom ng Manila Hotel.
Heart will be wearing two gowns sa buong gabi . Ang isa ay gawa ni Rhett
Eala. Isang pink long gown in silk chiffon beaded by Swarovski crystals
habang tumatanggap siya ng mga bisita at isang Inno sotto creation para sa
cotillion de honor.
Si John Prats ang magiging escort ni Heart sa buong gabi ng kanyang debut at
ang first dance niya ay ang kanyang daddy.
Kahit 18 na si Heart ay wala pa rin daw siyang balak na sagutin si John
Prats dahil hindi naman ito nanliligaw sa kanya.
�Puro tsismis lang naman �yung mga naglalabasan. Ang totoo, hindi talaga
nanliligaw sa akin si John,� pag-amin pa niya.
Ang mga kaibigan niya sa showbiz na sina Kaye Abad, Nikki Valdez, Camille
Prats, Sarah Christophers, Angelica Panganiban, Serena Dalrymple, Shaina
Magdayao, John Lloyd Cruz, Patrick Garcia, Baron Geisler at ang mga
relatives niya like Gino Ongpauco, John Piere Montenegro at marami pang iba
ang bubuo ng eighteen roses and candles.
Gagawing isang TV special ang debut ng dalaga (Heart at 18) at ipapalabas
ito sa Feb. 16, 9:30 p.m. sa ABS-CBN under the direction of Johnny Manahan. |