|
MAY dahilan talaga para maging ultra happy si
Heart Evangelista who recently celebrated her 18th birthday last February
14. Dahil ang kanyang birthday special na Heart At 18 ay nagtala ng mataas
na rating sa hanay ng mga TV specials ng ABS-CBN. Comparable ang taas ng
rating ng Heart At 18 sa mga TV specials na tinampukan nina Sharon Cuneta,
Claudine Barretto, Pops Fernandez, Martin Nievera at iba pang TV specials ng
ABS-CBN.
With the said TV special, na-elevate na si Heart sa hanay ng mga certified
stars ng network. Sa nakuhang mataas na rating ng Heart At 18, credit should
also go to John Prats dahil part ng TV special ay si John.
Sa mga fans ni Heart, abangan ninyo ang isang segment sa MYX kung saan
magkakasama sila ni Luis Manzano na ipalalabas anytime next week. Sila ang
sinasabing dalawang �poste� ng said musical channel. But the fanatics of
John-Heart loveteam need not worry na maagaw si Heart ni Luis dahil mukhang
naka-glue na ang pagtingin ni Heart kay John.
|