++Articles++

May katwiran naman ang ABS-CBN na bigyan ng ganung exposure ang kanilang next teen superstar. Sa hanay ng mga kabataang artista ngayon, namumukod-tangi si Heart. Maganda ang imahe niya sa publiko. At higit sa lahat, she really has the talent.

Malaking factor si John Prats kung anuman ang narating ngayon ni Heart. Let�s face it, talagang match sila at nakatulong sa kani-kanilang careers ang kanilang loveteam. Inuulan sila ngayon ng mga endorsement at napatunayan ito sa laki ng commercial load ng nasabing birthday special ni Heart.

Ang wish lang namin kay Heart ay hindi si! ya mabago ng kanyang popularidad at hindi ito maging dahilan para lumaki ang kanyang ulo. At ito ang dapat na i-instill sa isip niya ng mga taong nakapaligid sa kanya.

Gusto naming batiin ang mga tao sa likod ng Heart At 18 na pinangungunahan nina Joy Manahan, Erick Salud at Mrs. Cory Vidanes. Sina Deo Endrinal, Maru Benitez, Joyce Liquicia, Biboy Arboleda, Joel Siervo, Faces Sales, Rocky Ubana at Marvie Gelito.

Matagumpay sila sa paglulunsad kay Heart bilang next important star ng ABS-CBN at Star Cinema.


Hosted by www.Geocities.ws

1