|
Debut ni Heart, bongga
(REY PUMALOY)
Sa Pebrero 14 pa ang debut pero mamayang 6:30 PM na ang 18th birthday party
celebration ng talent ng ABS-CBN 2 na si Heart Evangelista sa Maynila
Ballroom ng Manila Hotel.
Ginastusan at gagawing TV special ng Dos ang special event sa buhay ni
Heart.
Dalawa ang gagamiting gown ni Heart. Ang unang gown na isusuot ni Heart ay
gawa ni Rhet Eala at buburdahan ng iba�t ibang laki ng Swavroski crystals.
Ang gown na pang-cotillion ay gawa ni Inno Sotto. Regalo ito ni Dr. Vicky
Belo kay Heart.
Sabi sa amin ni Eric John Salut (publicist ng ABS-CBN Talent Center), hindi
image model ng Belo Medical Group si Heart. Natutuwa lang si Dr. Belo sa
debutante.
*****
Favorite song ni Heart ang Here, There & Everywhere na requested song niya
para sa first dance nila ng kanyang ama.
Excited si Heart sa debut. Hindi raw siya halos natutulog sa kakaisip sa
mangyayari.
Panay ang kantyaw sa kanya ng mga kaibigan sa Talent Center. Pwede na raw
umakyat ng ligaw sa kanya si John na matagal nang may gusto sa kanya.
�I don�t know. At this point kasi, gusto ko munang mag-concentrate sa career
ko. Hindi lahat ng mga artist na gaya ko, nabibigyan ng opportunity na gaya
nito.
�Sayang kung hindi ko aalagaan itong career ko. Love can wait. Anyway, I�m
still young. I have a long way to go pa.
�Kung may magtitiyaga, malay mo. Kung meron talagang sincere, maghintay siya,�
nakangiti niyang sabi.
*****
Kabilang sa 18 roses & candles ay sina Kaye Abad, Nikki Valdez, Camille
Pratts, Sarah Christophers, Angelica Panganiban, Serena Dalrymple, Shaina
Magdayao, John Lloyd Cruz, John Pratts, Patrick Garcia, Paolo Contis, Baron
Geisler, Dominic Ochoa, Carlo Aquino, Onemig Bondoc at Marvin Agustin.
Kasama rin sa seremonya ang ilan sa relatives ni Heart na sina Christine
Solis, Camille Ongpauco, Lissa Quirino, Virginia Bagtachini, Gino Ongpauco,
John Piere Montenegro at Tristan Ongpauco.
Mapapanood ang debut TV special ni Heart sa Pebrero 16, 9:30 PM over ABS-CBN
2 titled Heart at 18 directed by Johnny Manahan.
Ang iba pang kabahagi sa debut ay si Juan Sarte bilang make-up artist,
flowers by Madriraka, souvenirs by Kikay, cake by Mitch Po & Jackie Ang of
Fleur de Lys, Belo Medical Group, Leonardo Bag, Lyka Bag at Bum Equipment. |