++Articles++

John, tunay na kapuso ni Heart!

Ngayong gabi, Pebrero 16, 2003 ay magiging ganap na dalaga na si Heart Evangelista, ang itinuturing na bagong sweetheart ng bayan. Ipalalabas ng ABS-CBN ang debut birthday special ni Heart na Heart at 18 (9:30 pm).

Dalawang magagandang gown ang isusuot ni Heart para sa TV special na ito. Ang una ay ang pink long gown in silk chiffon with beaded Swarovski crystals na gawa ni Rhett Eala. At ang isa pa ay ang gown naman na nilikha ni Inno Sotto para sa cotillion de honor.

Si Juan Sarte ang nagpaganda ng mukha at buhok ni Heart.

Siyempre pa, kikiligin ang mga fans ni Heart, dahil ang escort niya ay ang ubod ng guwapo na si John Pratts. Sabi nga, si John ang tunay na kapuso ni Heart.

Ang ilan pa sa mga dumalo sa debut ni Heart ay sina Kaye Abad, Nikki Valdez, Camille Prats, Sarah Christophers, Angelika Panganiban, Serena Dalrymple, Shaina Magdayao, John Lloyd Cruz, Patrick Garcia, Paolo Contis, Baron Geisler, Dominic Ochoa, Carlo Aquino, Onemig Bondoc at Marvin Agustin.

Sa simula ay hinangad ni Heart na maging simple lang ang kanyang debut, dahil sa paniniwala niya, mahirap ang buhay ngayon, na maraming tao ang nagugutom, at magulo ang paligid dahil sa iringan ng Iraq at Amerika.

Pero, sa tulong ng Channel 2, naisakatuparan ang debut ni Heart, na hindi kailangang sobra-sobrang mahal, pero maganda ang elegante ang dating.

�Actually, na-feel ko lang talaga na 18 na ako nu`ng pinaplano na ang debut ko ng Channel 2. That was the time na nakikialam na rin ako. I mean, nagsa-suggest na rin ako kung ano ang magandang gawin, kung ano ang dapat gawin, kung sinu-sino ang gusto kong maging bisita.

�And finally, nu`ng natapos `yung plano, nakita ko talaga na hindi siya sobrang bongga, na kailangang gumastos ng malaki, pero napaka-memorable,� say lang ni Heart.


Hosted by www.Geocities.ws

1