banner of the site:Rainbow and Butterflies

Home About Me Photo Gallery Articles Site Map Links


Praymer tungkol sa Pagpapasuso sa Sanggol (Breastfeeding)

breastfeeding mother ANG PAGPAPASUSO
Ito ay ang pagpapainom ng gatas ng ina sa sanggol.

KAILAN KO DAPAT SIMULANG MAGPASUSO NG SANGGOL?
Ang pagpapasuso ay dapat simulan sa loob ng 30 minuto pagkasilang sa sanggol.

BAKIT KULAY DILAW ANG GATAS NA LUMALABAS SA MGA UNANG ARAW?
Colostrum ang tawag sa gatas na lamalabas sa suso ng ina sa loob ng 2 hanggang 3 araw. Maganda itong panlaban sa impeksiyon at tumutulong din para maiwasan ang paninilaw ng balat ng sanggol.


ANO ANG MABUTING MAIDUDULOT NG PAGPAPASUSO SA INA AT SA SANGGOL?
  • Pinoprotektahan nito ang sanggol laban sa pagtatae, ubo, sipon, malnutrisyon, at iba pang pangkaraniwang sakit.
  • Hindi na kailangang ihanda pa ang gatas galing sa ina.
  • Mas napapalapit ang sanggol sa kanyang ina.
  • Mas nakakatipid sa pera dahil hindi ito binibili.
  • Sigurado ang ina sa kalinisan nito.
ANG TAMANG POSISYON SA PAGPAPASUSO
buksan ng malaki ang bibig ng sanggol Hikayatin ang sanggol na buksan ng malaki ang kanyang bibig sa pamamagitan ng pagpaparamdam ng iyong utong sa kanyang bibig. hilahin ang sanggol papunta sa suso hilahin ang sanggol papunta sa suso Kapag nakabukas na ng malaki ang kanyang bibig, hilahin ang sanggol papunta sa iyong suso.
ang gilagid ay dapat sinsakop ang buong utong Siguraduhin na ang gilagid ng sanggol ay nasasakop ang buong utong. ang tamang posisyon Ganito ang tamang posisyon ng bibig ng sanggol habang sumususo. Kapag tama ang posisyon, hindi dapat mananakit ang suso ng ina.
MGA KATANUNGAN

Gaano ko kadalas dapat pasusuhin ang aking sanggol?
Ang sanggol ay dapat pinapasuso ng 10-14 na beses sa loob ng 24 oras. Pag ikaw ay mas madalas na magpasuso ay mas maraming gatas ang lumalabas.

Paano ko malalaman kung ang aking anak ay nakakainom ng tamang dami ng gatas?
Kapag ang iyong sanggol ay nakakagamit ng 5-6 na lampin at tumatae ng 3-5 beses sa loob ng isang araw, at siya ay mas bumibigat at lumalaki, nakakasiguro ka na siya ay nakakainom ng tamang dami ng gatas.

Bakit pakiramdam ko ay namamaga ang aking mga suso?
Ang pakiramdam ng pamamaga ay dahil sa labis na gatas na ginagawa ng suso. Maaari itong matanggal sa pamamagitan ng pagmamasahe o di kaya ay paggamit ng �pump� para makuha ang sobrang gatas.

Bakit masakit ang aking suso habang pinapasuso ko ang aking anak?
Maaaring hindi maayos ang posisyon ng sanggol habang sumususo. Siguraduhin na ang buong utong ay nakapaloob sa bibig ng sanggol.

Ano ang dapat kong gawin kapag nananakit ang aking utong?
Una, maaari mong punasan ang iyong utong ng tuwalayang binabad sa maligamgam na tubig. Pagkatapos ay masahiin mo ito.
Pangalawa, pasusuhin ang sanggol sa hindi gaanong masakit na suso.
Pangatlo, pagkatapos magpapasuso, magpahid ng kaunting gatas sa utong at patuyuin ito.
Kapag ikaw ay nilalagnat at may nakitang pamumula sa iyong suso, pumunta ka na sa pinakamalapit na health center dahil sintomas na ito ng impeksiyon.
breastfeeding is still best for babies MGA DAPAT PANG MALAMAN�

  1. Maaaring magpasuso ang inang maysakit malibang ang sakit niya ay HIV (Human Immunodeficiency Virus.)
  2. Ang sanggol na maysakit ay pwede pa ring pasusuhin.
  3. Dapat kumain ng masustansiyang pagkain ang inang nagpapasuso.
Para sa karagdagang impormasyon, tumawag sa
Department of Health,Sta. Cruz Manila sa mga numerong 7438301 hanggang 23 o magtanong sa [email protected]
to top^
<<back to Articles page

702 DZAS



Hosted by www.Geocities.ws

1