kahit gaano kasakit? ok lang mahal kita eh. mas minahal kita nung sinaktan mo ko. ang labo ko rin no? martir ako eh...tanga pa. pero alam mo, marunong din akong masaktan.
gago ko daw..pinakawalan kita...tanga ko daw, pinabayaan kitang umalis...eh bakit ba ang tanga tanga nila? di ba nila maintindihan na di ko pwedeng ipagsiksikan ang sarili ko sa taong di na ko mahal?
Sabi nila mahirap ka daw abutin, paki ko, mahal kita! Sabi nila wag na daw kitang pagpantasyahan, paki ko, mahal kita! Mahal na mahal kita, alam mo ba yon? Paki mo, e may mahal ka namang iba!
Alam mo yung mahal mo, mahal ka din. Pero na sa'yo sya wala sa 'kin. Lahat na ginawa ko para ako na lang ang mahalin�pero balewala kasi ikaw pa din. Hindi ko alam kung ano na ang dapat gawin�kasi yung mahal ko, mahal mo, at mahal ka din�
Bakit ganon? Kahit anong sakit naman tiniis ko, kahit anong hirap tinago ko, kahit sinong masaktan binalewala ko, kahit sobra sobra pagmamahal ko sayo, bakit ganon? Di mo pa rin makita?
Bakit kung kailan natuto akong maghintay hindi ka dumating? Bakit kung kailan natuto akong magtiis doon ka sumuko? Bakit kung kailan natutunan kitang mahalin doon ka lumayo? Bakit kung kailan mahal na kita saka ka nagmahal ng iba?
Alam mo, gago sya. Di nya ko naiintindihan, di nya ko mahal at di nya ko pinahalagahan. Pero mas gago ako. Alam mo kung bakit? Kasi minahal ko ang isang gago.
Matagal na kitang mahal. Alam yun ng iba. Ngunit bakit ikaw, hanggang ngayon hindi pa. Nakita kitang masaya at nakatawa, lalapitan na sana kita. Kaya lang, kasama mo sya.
Malungkot ka na naman? Bakit? Kasi walang may mahal sayo? Hay naku! Tampo ko sayo! Lagi mo na lang ako kinakalimutan. Ilang beses ko ba sasabihin? Ako, mahal kita.
Pag sinabi kong mahal kita maniniwala ka kaya? Siguro hindi kasi di mo naman ako siniseryoso. Kung maniwala ka naman siguro di mo na papansinin kasi di mo naman ako mahal at iba ang mahal mo.
Minsan natuto akong magmahal, minsan natuto akong masaktan, minsan natuto akong umasa. Kasi minsan, minahal kita ng sobra-sobra.
Masakit, 'di dahil 'di mo ko mahal ngunit dahil 'di mo ko sinubukang mahalin. Masakit, 'di dahil mahal mo siya kundi dahil alam kong kahit tayong dalawa na lang ang tao sa mundo, kaibigan lang talaga ako sayo.
Sabi nila gago ako, sabi nila bobo ako, sabi nila ang tanga ko. Lahat na sinabi nila, bakit mahal pa rin daw kita? Sabi ko, akala ko may pag-asa e wala pala!