Ang Aking Talambuhay


MY PICTURE

"SUSUKA LANG, WAG SUSUKO"


Ako si Jeneveve A. Gepes 19 taong gulang ipinanganak noong Nobyembre 21, 1996
sa Binalbagan Negros Occidental.
Ang aking ama ay si Felipe Gepes Jr. at ang aking mahal na ina na si Jennylinda Gepes
mayroon akong pitong kapatid sina Jennifer, Josephine, Joejet, Gerald, Jaymark, John Philip at Justine Gepes.


Ako ay nagtapos ng elementarya sa Binalbagan Elementary School at nagtapos ng
sekondarya sa Binalbagan Catholic College High School Dept.
kasalukuyan ay sa Binalbagan Catholic College sa kursong Information Technology.


Ang aking hilig ay mag facebook2x , text2x. Ang aking paboritong ula ay adobong manok at
mahilig ako kumain ng matatamis gaya ng chocolate cakes at iba pa.
Ang paborito kong actor ay sina Daniel Padilla, Coco Martin at Piolo Pascaul.
Ang paborito kong kulay ay dilaw at paborito kong �subject� ay Physical Education.


Sa aking karansan naman sa buhay ang hindi ko malimutan ay
noong naaksidente ako sa motorsiklo noong ako�y menorde edad pa lamang.
Ako ay simple lamang mapagmahal, mabait at makulit ngunit kung minsan ay may pagka �moody�.
Bilang kaibigan naman ako ay mapag biro at siyempre may paghahalaga sa mga kaibigan ko
at madalas ay inaalala ko muna ang kanilang mararamdaman bago ko magsalita.


Tuwing ako may may problema madalas akong umiyak sa Diyos sa kanya ko lahat lahat sinasabi ang samang loob,
kasiyahan at paghingi ng mga nais ko, siya ang aking tagapagligtas.

Sa buhay pag-ibig naman siyempre naranasan kong magmahal, masaktan,umiyak at umibig ulit.
Sa ngayon may minamahal ako ngunit pribado lang ito at masaya kami sa isa't isa.
At minsan mayroong hindi magkaintindihan pero naaayos kaagad ito.

Ang mithiin ko sa buhay ay masuklian ang paghihirap ng aking magulang,
paglingkuran ang Diyos habambuhay maging matagumpay sa buhay at magkaroon ng asawa at anak sa tamang panahon.
Ngayon ay sinisimulan ko to sa pag-aaral, pagsisikap at pananalig sa Diyos.