<<< indeks

ULAT NG PANGULO, Taong Piskal 2005-06

Kasama ang bumubuo ng Board of Directors ng Gawad Felicisimo T. San Luis Foundation, Inc., nais kong ibahagi sa inyo ang kalagayan, naging gawain sa taong piskal 2005-06.

Opisyal na nagsimula ang taong piskal noong Hulyo sa pamamagitan ng isang hapunan kasama ang tinanghal na sampung Namumukod Tanging Kabataan ng Laguna ng taong 2005 sa Ayala Alabang Country Club.

Ang tutunguhin ng taong piskal ay nakabatay pa rin sa “13-point agenda” na kinabibilangan ng mga proyekto ng bawat komite.

1. Pagkilala at pagpapahalaga sa Gawad Felicisimo T. San Luis Foundation, Inc. By-Laws bilang pangunahing saligan ng mga desisyon at gawain ng Gawad sa kabuuan at mas malawak na pag-unawa sa misyon at tunguhin ng samahan

2. Pagsasaayos ng tala sa Bureau of Internal Revenue at Securities and Exchange Commission

3. Pagpapatibay at pag-aayos ng Gawad Felicisimo T. San Luis Foundation, Inc. Secretariat

4. Paglikom ng sapat na salaping pantustos sa lahat ng gawain

5. Pagpapanatili ng aktibong pakikibahagi ng mga miyembro sa mga gawaing panloob at panlabas

6. Patuloy na paglinang at pagpapaunlad ng mga kasanayan sa iba’t ibang larangan (edukasyon) at pagpapatatag ng pakikipag-ugnayang panlabas

7. Maayos na dokumentasyon ng mga gawain (pagsusumite ng Ulat ng Komite sa Secretariat at Financial Statement sa Komite ng Pananalapi pagkatapos ng mga gawain)

8. Pagsasagawa ng mga makabuluhan at natatanging proyekto sa komunidad

9. Pag-aayos at pagpapalit ng mga gamit at exhibit sa Bahay Laguna

10. Pagsasaayos ng organisasyon at muling pagtatanghal ng Tanghalang Kamanlalakbay

11. Pagsasagawa ng 2006 Gawad San Luis para sa Namumukod-Tanging Kabataan ng Laguna

12. Paglahok sa mga patimpalak tulad ng TAYO, Bayaning Pilipino Awards at iba pa

13. Pag-aaral ng posibleng pagtatayo ng Gawad Felicisimo T. San Luis Scholarship Program sa pamamagitan ng Committee on Scholarship na binubuo ng Pangulo, Pangalawang Pangulo, Pangkalahatang Kalihim, Pangalawang Kalihim at mga Tagapayo.

Ang mga naging gawain sa taong piskal ay nakatulong sa paglinang ng mga kakayahan at talento ng mga miyembro at mapatatag ang pamumuno, pagtutulungan, at pagkakapatirang Gawad tulad ng Gawad Ultimate Challenge season 2 at Bahay Laguna Day noong Agosto, “Iisang Bangka Tayo” Gawad Team building noong Setyembre, Trick or Treat at pagsali sa UP Rural High School Science and Math Fair noong Oktubre, at pagtatanghal ng “Almusal ni Kumander” noong Nobyembre, ang pagsasagawa ng Tanghalang Kamanlalakbay ng Theater Workshop sa mga mag-aaral ng Laguna State Polytechnic College, ang pagsasagawa ng Special General Assembly/Christmas Party noong Disyembre, ang pagdiriwang ng GAWADekada ng Bahay Laguna noong Enero, ang pagtatanim ng puno sa bayan ng Rizal noong Pebrero, ang pagbibigay ng Leadership Training / Team Building sa UPLB Development Communicators Society, at ang ika-12 paglulunsad ng Gawad San Luis para sa Namumukod-Tanging Kabataan ng Laguna. Tatlumpu’t isang opisyal na nominado ng 2006 Gawad na sumailalim sa anim na buwang proseso na nagtapos ngayong Hunyo.

Nagkaroon rin ng pag-amendya at ilang mahalagang pagbabago sa Gawad By-Laws.

Nagkaroon na rin ng panimulang pag-aaral sa pagkakaroon ng GAWAD ISKOLAR PROGRAM. Ang Gawad Felicismo T. San Luis Foundation, Inc. Scholarship ay igagawad sa kwalipikadong miyembro ng samahan. Ang kwalipikadong miyembro ay tatawaging Gawad Iskolar. Siya ay nararapat na aktibong miyembro ng samahan, mula sa kategoryang Kabataang mula sa Mataas na Paaralan o Kabataang Wala sa Paaralan, salat sa kakayahang pinansiyal upang makapagpatuloy ng pag-aaral, pinakamataas sa pagsusuring isasagawa ng Komite ng Iskolarship, manatiling nasa ikapat na mataas sa klase (Top 25%). Ang Gawad Iskolar ay makakatanggap ng PhP 3000 sa loob ng isang semester. Ang pagmumulan ng salapi para sa GFTSLFI Scholarship ay pledges ng mga miyembro ng samahan, salapi ng samahan, at salaping makukuha sa mga proyektong isasagawa ng Komite.

Ang ilan sa mga nakatakda pang mangyari sa susunod pang mga taon ng Gawad:

1. ang pagsasalin sa panulat ng mga internal rules at guidelines ng proseso ng Gawad San Luis para sa Namumukod-tanging Kabataan ng Laguna

2. paglikom ng sapat na salapi upang matustusan ng Foundation ang buong proseso ng Gawad San Luis para sa Namumukod-Tanging Kabataan ng Laguna

3. ang paglulunsad ng aklat na MAGANDANG LAGUNA: isang sulyap sa kasaysayan, tao at lugar sa mga bayan sa Laguna

4. ang nalalapit na pagdiriwang ng ika-15 taon ng Gawad

Inaasahan ko pa rin ang ating aktibong pakikibahagi, pagtutulungan at pagsuporta sa patuloy na pagsisikap ng pamunuan ng Gawad Felicisimo T. San Luis Foundation, Inc. na kumilala, bumuklod at luminang ng mga Namumukod-Tanging kabataan ng Laguna.

Maging huwaran at “namumukod-tanging kabataan” … nasaan ka man.

Maraming salamat sa pagsabay sa paglalakbay tungo sa tungo sa ika-labintatlong Gawad!

Engr. Maricris C. Vines, Pangulo

Taong Piskal 2005-06, 2004-05





BUKAS NA LIHAM PARA SA LAHAT

Para sa aking mga ka-Gawad, 

Ito ang unang pagkakataon na magbibigay ako ng nakasulat na testimonial (kung testimonial nga ang tawag dito) para sa Gawad. Marami na kasi akong nasabi sa mga nakakwentuhan kong gawad pero hindi yun documented. Matagal ko na ring iniiwasan ang magbigay ng testimonial . Hindi ko alam kung bakit, basta ayoko langEayoko pa. Sabi ko sa sarili ko, kung sakaling magbigay man ako, siguro iyon ay mangyayari sa huling taon ko sa GawadE

Sa totoo lang, hindi agad pumasok sa aking sistema ang Gawad. Tinapos ko lang talaga ang proseso dahil nahihiya ako sa aking punungguro na siyang nag nominate sa akin at sa serving batch na laging nagpapadala ng liham-paalala sa pagdalo sa mga gawain. Yun lang talaga ang dahilan.

Dumating ang araw ng parangal, masaya ako dahil yun na ang huliEhuling gawain para sa 1996 Gawad San Luis para sa Namumukod-tanging Kabataan ng Laguna. Wala talaga akong expectations Egusto ko lang matapos na. At itinanghal ang sampung namumukod-tanging kabataan, isa ako sa mga napili.

Mula sa araw ng parangal na iyon, itinatanong ko sa aking sarili kung bakit sa akin napunta ang karangalan. Para sa akin, may mas deserving pa na ka-batch ko. Deserve ko ba talaga iyon? Hindi ko alam. Sabi ni Kuya Ronald (1993- winner/high school ) at Ate Cecille (1994- winner/high school ), deserve ko raw. Marahil nga.

Sa aming unang pagpupulong bilang mga bagong miyembro ng Gawad San Luis, Ink, nagpasalamat kami sa stargroup( serving batch) at hindi ko pa rin nalilimutan ang sagot sa akin ni Ate Liza, “Huwag kang magpasalamat, deserve mo yan at saka magtatrabaho ka pa”… Trabaho? Yun pala, pagkatapos dumaan ng proseso, magiging serving batch namanEhindi ko kasi alam. Akala ko, kapag naiuwi mo na ang tropeo at sampung libong pisoEtapos na, wala nang kasunod.

Dumaan kami sa mahabang preparasyon at maraming pulong para sa paghahanda sa 1997 Gawad San LuisEdoon pa lang nagsimula ang pag- appreciate ko sa Gawad. Malaki ang ibinigay na tiwala sa amin nina Mommy, Ate Liza, Tita Linda, at 1993/1994 Gawad. Sa pamumuno ni Kuya Raul at ng mga magagaling na batch 1996, maluwalhati naming naipasa ang tradisyon ng Gawad, naipagpatuloy ang pagkilala sa kapwa namumukod-tanging kabataan at paghahanap ng bagong Gob.

Pagkatapos ng awarding ng 1997, binigyang-laya ko ang aking sarili sa Gawad. Napagod yata ako sa dalawang taon na puro Gawad ang inaasikaso. At saka, hindi ko na alam ang magiging papel ko, hindi na ako nominee at hindi na rin serving batch .

Hindi naging ganoon kadali ang pansamantalang pagpapahinga sa Gawad. Para kasing may kulang na bahagi sa aking sarili kapag hindi ako pumupunta ng Bahay Laguna o nagkukwento tungkol sa Gawad. Hindi ko rin natiis. Sa aking pagbabalik, nakilala ko ang “medyoEmayabang (ayon na rin kay Dave) na centennial batch 1998. Masaya pa rin sa Gawad. Wala na nga lang yung ibang serving batch noon, mga ka- batch at mga nominee noong 1997Emangilan-ngilan na lang.

Sa kauna-unahang General Assembly ng bagong tatag na Gawad San Luis Foundation, nag- volunteer sina Ate Cel, Kuya Fred, Doreen, Dave, Rommel, Ate Kathy, Ate Ruth, Kuya Vince sa Board kaya naki- volunteer na rin ako. Sa aking palagay, ito yung hinahanap kong role sa Gawad pagkatapos maging nominee at serving batch.

Nagpa-“amponEako sa mga sumunod na Gawad batch at feeling serving batch muli. Maraming salamat kay Kuya Fred, Ate Rods, at Kuya Jhun gayundin kay Abi at Arjay sa pagbibigay ng “trabahoEsa akin at pagturing sa akin at sa iba pang old staff bilang bahagi ng inyong batch. Hindi man ganoon kalaki ang naitulong ko at ng ibang nakiraan sa proseso, alam kong nagbigay kami ng lakas sa inyo para maipagpatuloy ang Gawad.

Hindi rin naiwasan ang mga samaan ng loob at minsang hindi pagkakaunawaan sa loob ng Gawad. Sa lahat ng ganitong pangyayari, nasasaktan ako kapag walang nagagawa upang maiayos. Ayokong masira ang Gawad dahil sa gawad mismoEung kaya ko lang kontrolin lahat, gagawin ko. Mahirap gawin iyon dahil napakahirap hingin sa isang tao ang isang bagay na dapat kusang ibinibigayEpare-pareho lang tayong volunteers . Yun nga lang, iba-iba ang antas ng commitment. Hindi ko pwedeng ikumpara ang ibinibigay ko sa ibinibigay ng bawat isa. Mahirap maghinanakit at humingi ng kapalit dahil wala talagang kapalit.

Iniisip ko na lang na kahit ganoon ang nangyayari, alam kong pinagbubuklod pa rin tayo ng isang adhikain at pangarap para sa Gawad.

Ang tanging kapalit ay ang makitang nagpapatuloy ang Gawad.

Hindi naman lahat ng gawad ay kilala ko. Alam ko lang ang mga pangalan at pinagmulang bayan ng 330 na miyembro, siguro mga 200 ang personal kong kakilala at kaibigan. Hindi sa pagyayabang o anuman, hindi ko kinailangang i- memorize ang lahat, wala ngang masyadong effort dahil gusto ko yung ginagawa ko.

Kung ang mga kakilala at mga matalik na kaibigan ang dahilan ng patuloy kong pagsakay sa barko ng Gawad, malamang matagal na akong bumaba.

Nakita at naging bahagi rin ako ng naparaming pagbabago sa Gawad. Mga pagbabago sa prosesoEMula sa pagiging nominado, serving batchE sa pagiging miyembro ng BOD hanggang maging panguloEMula sa Gawad San Luis, Ink. hanggang Gawad Felicisimo T. San Luis Foundation, Inc.

Pero nanatili at mananatili pa rin ang mga nakasanayan kong gawin sa Bahay LagunaEang paghuhugas ng pinggan, paggawa ng mga nameplates , pagbubuklat at pakikialam sa mga “nakatagongEfiles ng Gawad, paghahanda sa kusina, paglilinis, pagbibilang ng bintana, hagdan, at puno (!), pakikinig sa mga instruction ni Mommy, mga naging pangulo at tagapangulo, pangungumusta at paghihintay sa sorpresang pagdating ng isang gawad, pakikibahagi at panonood ng ensayo at pagtatanghal ng Jacinto, Propeta, Hechicera, OFW, BayabasEpaghirit sa mga biruan at tawanan, ang walang katapusang kwentuhan, asaran, kantahan, takutan, iyakan, sermunan, at overnight sa BL.

Mula sa araw ng pagdalaw ng Lupon ng Gawad sa aking paaralan noong Marso, 1996 hanggang ngayon, Gawad na ang naging bahagi ng aking mga kuwento sa mga kaibigan at kapamilya saan man ako magtungo.

Gawad ang dahilan kung bakit nasa Gawad pa rin ako.

Sa Gawad, maraming pangarap ang nagsimula, yumabong, at natupad. Ang pangarap ni Mommy na maipagpatuloy ang legacy sa pamumuno ni Gob., bonus pa nga na maraming nagtagumpay sa iba't ibang larangan, nandiyan sina Kuya Atty. Ronald, Kuya Pipoy, Atty. Melvin, Ate Nanette, Kuya Oni, Kuya Tony, Father Emmanuel, Ate Aileen, Doc Jo, Ate Cecille, Kuya Rico, Kuya Michael, Ate Shane, Kuya Raul, Kuya Glenn, Ate Ruth, Kuya Ariel, Jardine, Nanie, Kuya Raffy, Kuya Xav, Kuya Adrian, Ate Mia, Dahlia, Marge, Tony, Ate Armela, Albert, Jose, Kuya Roel, Kuya Lawrence, Ate Rona, Kuya Jocel, Kuya Vince, Doreen, Titser Ayeth, Sherwin, Gem, Anne, Rizza, Fredz, Kuya Joel, Kuya Fred, Ate Cel, Ate Grace, Dave, Rommel, Karl, Tawek, Bolen, Rexon, Rhia, Gerlie, Mitzi, Ian, Ate Rods, Ate Ces, Ate Yen, Ate Tess, Kuya Allan, Ronnie, Avegs, Delson, Eric, Dyaske, Rizza, Kuya Jhun, Kuya Les, Laiden, Lobit, Aljean, Joyvin, Roma, Jeff, Abi, Henry, Kelly, Tryz, Thaan, Riza, Tok-an, Dina, Irish, Okne, Arjay, Marj, Rasty, Joel, Alyn, Raha, Gerjane, William, Jepoy, Jewel, Rael, Angge, Jaycz, at napakarami pa. Naging inspirasyon ko ang tagumpay ng bawat gawad.

Gawad na rin ang naging katuparan ng ilan sa aking mga pangarapEmga pangarap na hindi ko na naabot.

At sa aking ika-walong taon at ika-anim na termino sa Board , Gawad pa rin ang nagbibigay inspirasyon sa akin na magpatuloy. Hindi ko pa alam ang mga mangyayari ngunit kaya kong ilarawan sa bawat isa sa inyo ang nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap ng Gawad.

Isang hinaharap na binubuo ng mga inspirasyong iniwan at iniambag ng mga nauna sa atin.

Isang Gawad na pinalakas ng mga pagsubok at ng mga taong nagmamalasakit at nagmamahal.

At sana, Gawad din ang magbigay inspirasyon sa inyong lahat na magpatuloy.

Dahil Gawad pa rin ang “namumukod-tangiE

Marami nang nawalaEmarami nang umalis

Alam ko na marami ang babalikEat marami pang darating.

Pagkaraan ng GAWADekada at isa, patuloy pa rin akong naniniwala na hindi kailanman nagwawakas ang pagiging gawad.

Hindi sa seremonya ng araw ng parangal.

Magkahiwa-hiwalay man, umaasa pa rin ako na darating ang panahon na magsasama-sama muli ang lahat ng gawad.

Tulad ng madalas sabihin ni Mommy, “kung sakaling sumapit muli ang araw ng ating pagtatagpo at magdaop muli ang ating mga palad sa isa pang pangarap, magtatayo tayo ng isa pang tore ng kadakilaan sa kalawakan ng ating lalawiganE

Para sa Gawad,

macris







sama sama pagtingin sa talang maringal ang pangarap ng GAWAD

Bahay Laguna Mga piling larawan ng Gawad
Hosted by www.Geocities.ws

1 1