<<< indeks


Ang katuparan ng pangarap ng 'Buhay na Alamat' ng Laguna

Mahigit isang dekada na ang nakalipas mula nang yumao ang noon ay tinaguriang "Buhay na Alamat ng Laguna," si Felicismo T. San Luis, na naging gobernador ng lalawigan sa loob ng mahigit na tatlumpu't tatlong (33) taon - pinakamatagal sa kasaysayan ng bansa. Sa kanyang pagpanaw noong 18 Disyembre 1992, marami ang nagpahayag na marahil matatagalan pa raw bago magkaroon ang Laguna ng isang lider na katulad ni San Luis.

Ang mga ganitong pahayag ang nagbunsod sa naulilang maybahay ng yumaong gobernador, si Gng. Felicidad Sagalongos-San Luis, na pangunahan ang pagtatatag ng isang samahang maglalayong tumuklas ng mga bagong San Luis - mga kabataang lider na may katangian, talino at kakayahan na katulad ng kay San Luis at may pangarap na maisulong nang mabilis ang kaunlaran ng Laguna. Ito ang dahilan ng pagsilang ng Gawad Felicisimo T. San Luis Foundation, Inc.

Pangunahing layunin ng samahan ang tumuklas, magsanay at kumilala ng mga namumukod-tanging kabataang lider ng Laguna nang naaayon sa mga simulain at pangitain ng yumaong Gobernador Felicisimo T. San Luis. Kaakibat nito ang matibay na paniniwalang hindi rin magtatagal, sa hanay mismo ng mga namumukod-tanging kabataan, ay sisibol ang susunod na "Buhay na Alamat ng Laguna."

Sa pamamagitan ng pangunahing proyekto ng samahan, ang halos taunang proseso at parangal ng Gawad Felicisimo T. San Luis para sa Namumukod-Tanging Kabataan ng Laguna na unang inilunsad noong 1993, matagumpay na naitataguyod ng samahan ang pagsasanay sa mga kabataan na maging mahusay at huwarang lider na katulad ni San Luis.

pinasinayaan ng kauna-unahang GAWAD SAN LUIS para sa Namumukod Tanging Kabataan ng Laguna
sa ikawalang taong, nailunsad ang paghahanap ng mga namumukod-tanging kabataan ng Laguna
naging front-cover ang samahan sa YOUNGSTER magazine - isang pahayagang pang kabataan
pinagtibay ang registarion ng Gawad sa SEC, at naging Gawad San Luis Foundation
sa ika-limang taon at pagdiriwang na sentanaryo ng kalayaan, ginanap ang "Araw ng parangal" ng Gawad sa UPLB, Auditorium
isinilang ang TANGHALANG KAMANLALAKBAY, ang sangay panteatro ng GAWAD
nasimulang isilang ang e-group ng GAWAD
muling pinalitan ang ngalan ng Gawad sa GAWAD FELICISIMO T. SAN LUIS FOUNDATION, Inc.
ipinagdiwang ang GAWADekada, sampung taong pagsisikap ng Gawad
isinilang ang GAWAD online

Bahay Laguna Mga piling larawan ng Gawad
Hosted by www.Geocities.ws

1 1 1